Napakagat siya ng labi tapos tumingin sa ibang direksyon.Bumuntong hininga siya at saka ako tinitigan sa mata. "Sorry kung hindi ko kaagad sinabi sa iyo, ha?" Ngumiti siya nang pilit tapos naramdaman ko iyong paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. "Kate, I'm going back to Japan."

Ano?! He's leaving?

“Seryoso?”

Para akong nanlambot sa narinig ko. Malalayo na naman siya sa akin?

“Kate,” Ipinatong niya iyong dalawang kamay niya sa dalawang kamay ko tapos hinawakan iyon. "Sorry kung hindi ko kagad sinabi sa iyo, ha? Ayoko lang kasi maging malungkot ka."

"Kailan ka uuwi? Saglit ka lang naman duon, hindi ba?" Tinanong ko habang nakangiti nang pilit. Who am I kidding?! Kung saglit lang siya duon, malamang sinabi niya sa akin iyon nang walang hesitation!“Hanggang kailan ka duon?”

"Hindi ko alam." Bumuntong hininga siya tapos nagkibit balikat. “Pero ang alam ko, for good na. Siguro bibisi-bisita na lang ako dito sa Pinas. Sa saturday na alis ko."

Anong araw na ba ngayon?

Thursday na pala.

"Ang daya. Ilang buwan pa lang kita kasama dito, iiwan mo na naman ako." Sumimangot ako. Mukha na siguro akong pato sa kakasimangot ko.

"Hindi ko naman rin ginusto ito. Kailangan lang daw talaga nila ko duon. Ayoko naman talaga umalis dito, ano. Masaya ako dito, e.”

--

Two weeks.

Two weeks had passed since umalis ang best friend kong si Ice. I badly miss his presence. Nagvivideo chat kami every night kaya napupuyat ako minsan. Well, duh. Iyon na lang iyon way namin para makapagcommunite sa isa’t isa, ano.

At since wala akong magawa dahil si Blake ay hindi naman nalabas ng kwarto niya, mag-oopen muna ako ng Facebook at Wattpad.

Duon na lang ako sa sala magnet. Magsstalk muna rin ako sa profile ng kung sino.

Si Blake pala hindi ko pa friend. Maiadd nga.

Itinype ko sa search bar iyong pangalan niya. Marami namang lumabas na result pero hindi naman sa kaniya iyong mga ipinakitang resulta. Hindi niya mukha iyong nasa profile picture ng bawat account.

Maitanong nga.

Umakyat ako at binulabog si Blake na natutulog yata? Tahimik, e. Kung tulog man siya wala akong pakielam! Aba! Wala siya sa friendlist ko, a!

Hinampas ko iyong kamao ko nang ilang beses sa pintuan niya. Lagot ako nito. Ayaw pa naman nuon nang binubulabog siya. Pero hayaan na, lagot rin kasi siya sa akin kapag hindi niya ako inadd! Friends kami in real life tapos hindi kami friends online?! Aba! Hindi pwede iyon!

“Blake!~” Sigaw ko mula sa labas kasabay ng bagsak ng kamao ko sa pintuan. Narinig kong may padabog na naglalakad papunta sa pinto. Lagot ako. Sinasabi na nga ba.

"What?!" Medyo nabigla ako nang bumukas iyong pinto tapos sigaw kaagad ang bungad niya. Halatang bagong gising, nakapajama kasi at... Okay? May damit? Himala! Aleluja!

"Himala! Nakadamit ka!"Hinawakan ko iyong manggas ng t-shirt niya pero kaagad niya naman tinapik iyong kamay ko. Minsan talaga, ang mean nito. Ay, hindi pala minsan. Palagi pala!

"So ano ang gusto mo? Nakahubad ako?"Sabay roll eyes niya. Bakit ba ang cool ng mga lalake kapag ginagawa nila iyon? Seriously?! Lalo na si Blake. Hindi siya mukhang aryana kapag ginagawa niya iyon.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें