Chapter 25: Calm and Quiet

I was back. I recovered fast. Ang tanging iniinda ko na lang ay ang sugat sa binti ko gawa ng hunting knife na malapit na rin namang gumaling. Nakaupo ako sa kamang ilang gabi kong hindi tinulugan. It didn’t get all bloody and hard with my family dahil na rin sa ikinagulat nilang mas pinili kong bumalik sa Montello High. Daddy was all suspicious of my decision but in the end, he relented and let me stay at Montello. He was definitely running out of lists of schools. I just promised my Mom that I’m going home for Christmas and Autumn said she’ll visit me one of this days.

“I’m watching you, Summer,” banta sa akin ni Daddy kaninang nadischarge ako.

Mukhang nakuha ko ang buong atensiyon ni Dady ngayon. Considering na nagkaroon kami ng family gathering sa ospital kung saan ako ang star sa loob ng isang linggo. That never happens. The week was weird for me, too dahil paminsan-minsang dumadalaw si Jamie at Tyler sa akin. Jin was banned, though dahil sa overreaction niya. Lumingon ako sa paligid at nakita ko ang bakanteng kama ni Mirden. She was still in a coma at hindi pa rin nagigising.

“I missed her, too,” narinig kong wika ni Jamie na naghahanda nang pumasok. “Are you sure na kaya mo nang umattend ng klase?” Tanong niya.

“I missed solving Math problems. I’m so excited,” sarkastikong sagot ko as I dumped my notebooks in my bag. Ngumiti siya.

“You’re really back.”

Para akong bumalik sa simula habang naglalakad ako sa hallway. Lahat ng estudyante ay nakatingin sa direksyon ko. They even made way for me and it was freaking me out.

Someone grabbed my waist. My instinct kicked in and I elbowed that person in the stomach only to realize that I shouldn’t have done that. I should have punched his face instead.

“Ow! Bakit ba napakabayolente mo?” Daing ni Jin na walang nagawa kundi bawiin ang kamay niya mula sa aking beywang.

“I will always be violent with you, Jin Cast,” wika ko na hindi tumitigil sa paglalakad.

“Yeah, yeah. That’s just your way of being sweet to me. This time, it’s sweeter.” Pumreno ako sa paglalakad at hinarap si Jin.

“Anong kailangan mo?” Seryoso kong tanong.

“Well, I am just… I’m… Uh—“ Kumunot ang nook o. Ano bang problema ng taong ito?

“Ganito, kapag nacompose mo na ang sasabihin mo, saka mo ako balikan,” wika ko at itinuloy ang paglalakad. Subalit nakakaisang hakbang pa lang ako ay bigla akong hinila ni Jin palapit sa kaniya at saka niyakap. Oh, crap!


“You, scandalous jerk!” Singhal ko habang itinutulak ang dibdib niya palayo. But his hug was so tight, I couldn’t even create a little space.

“Oh, hell. I’ve missed you!” Narinig kong wika niya.

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!