Chapter 24: Storm's Eye

Magsimula sa umpisa

“But why couldn’t I have you?” Naramdaman ko ang pamumuo ng luha ko sa aking mga mata. Huminga siya ng malalim at saka lumuhod sa harap ko. Now we were both on the floor and facing each other. I was a little scared that he would be able to see the tears I was trying to stop from falling.

“You always had me. It’s just that, we can’t have each other the way you wanted. We deserve people who are meant for us. But, you are always my princess,” wika niya.

“But I want you! Ikaw ang gusto ko!” There was a little hint of hysteria on my voice. Hinawakan niya ako sa pisngi. His hand was cold but like before, the way it felt can always calm me.

“There is someone who is bound to protect you. It’s best for you to be with that person,” nakangiti niya pa ring wika. Gusto kong malungkot at gusto ko ring magalit sa kaniya. Bakit ganito na lang kadali ang lahat? Ganon ba ka-imposible para sa amin?

“It’s best for me to be with you. Sasama ako sa iyo,” giit ko.

Umiling siya. “Hindi pwede. Kailangan mong magpatuloy. Ayokong itigil mo ang mundo mo para sa akin. Matagal nang huminto ang daigdig ko at lahat ng bagay na hindi ko nagawa ay ibinigay ko na sa nakaraan. Tanging ang mga salitang sasabihin ko na lang sa iyo ang pinanghahawakan ko.” Tila lumungkot ang maliwanag niyang mukha. Parang ang sakit sa loob na makita siyang malungkot. I always see him as a happy, strong person. I never thought he can be like this. I never thought we would end up this way, sharing hurtful loneliness.

“Hindi ba talaga tayo pwede?” Mahina kong tanong. Bakas ang pagsuko sa boses ko. Umiling siyang muli. Bawat pag-iling niya ay lumalabo ang posibilidad na bumalik pa kami sa nakaraan.

Huminga ako ng malalim. “Kung ano man ang sasabihin mo, makikinig ako.” This way, I was sure he would ask me to let him go. He will ask me to forget the past. At kapag hiniling niya iyon ay kakailanganin kong magdesisyon.

“Ikaw at ako, kailanman ay hindi na muling magtatagpo. Buksan mo ang mga mata mo, Summer. You will find that there’s an existing world quite different from the past. Kailangan mong harapin ang mundo nang wala ako. Hindi na kita kayang protektahan gaya ng dati. At isa pa, nasaktan na kita.” Umiling siya. “I won’t ask you to forget me but I want you to live your life.”

Pilit kong binuksan ang utak ko habang nakatingin sa mga mata niya. Always honest and genuine. Pero hindi ko naiintindihan kung bakit ganoon lang kadali sa kaniya na sabihin sa akin ang mga bagay na ito.

“Kahit kalian ba, hindi ako naging mahalaga sa’yo?” Pigil ang luha kong tanong. I felt like the old Summer, the one who’s easy to cry. The old Summer who’s afraid of rejection. Tinawanan niya ang tanong ko.

“If giving my life to protect you means you’re not important to me then isn’t that a waste?”

“I’m sorry I killed you,” wika ko.

“No, you didn’t. I saved you. And I don’t regret that. If the same thing happens again and again, hindi ako magdadalawang isip. I will still save you. Paulit-ulit matatapos ang buhay ko dahil ganun ka kahalaga sa akin,” seryoso niyang wika na tuluyan nang ikinalaglag ng luha ko. Hindi ako makapaniwalang maririnig ko ang mga salitang ito.

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!