Chapter 24: Storm’s Eye


Everything felt familiar. I had this feeling that this already happened before. I have on one of the most beautiful ball gown that I’ve ever seen. Part of my face was hidden by a creatively designed mask. Subalit nag-iisa lang ako sa gitna ng dance floor. Maganda ang pagkakaayos sa paligid. Tila isang engrandeng okasyon ang ginaganap subalit walang kahit isa mang bisita. Well, maliban sa akin. At nararamdaman ko ang bigat na pag-iisa. Masyadong malungkot ang paligid. Parang kay bigat sa pakiramdam. Tila gustong tumulo ng luha ko.

“Mahal na prinsesa.”

I snapped my head up. Lumingon ako sa paligid upang hanapin ang pinagmulan ng boses. Hindi ako maaaring magkamali sa nagmamay-ari niyon.

“Nasaan ka?” Isinatinig ko. I looked everywhere to find the owner of that voice. Subalit bigo ako. Walang kahit na sino sa lugar na ito.

“Mahal na prinsesa.”

Muli akong naalerto. Tumakbo ako tungo sa madilim na sulok para lang matagpuan ang sarili ko na papalapit lang sa pinanggalingan ko, sa gitna ng dance floor. What the hell is this? Muli kong inulit ang pagtakbo. Sa puntong ito, hindi lang para hanapin ang may-ari ng boses kundi para na rin takasan ang lugar na kinalalagyan ko. Gusto kong lumayo rito. Kahit gaano pa kaganda ang paligid ay hindi ko nanaising magtagal pa rito. Masyadong malungkot. Masyadong mabigat sa pakiramdam ang paligid. Subalit, nararamdaman ko na ang pagod ay hindi ko pa rin makita ang labasan. Paulit-ulit pa rin akong bumabalik sa gitna ng kawalan.

Pasalampak kong ibinagsak ang katawan ko sa sahig dahil sa pagod. Di kalaunan ay tuluyan naman akong binalot ng labis na kalungkutan. Ilang sandali lang ang nakalipas ay nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa kinaroroonan ko. Hindi ako nag-angat ng paningin at hinintay na lang ang tuluyang paglapit niyon sa akin.

“Mahal na prinsesa.” Narinig kong wika ng nagmamay-ari ng yabag. Dahan-dahan akong nag-angat ng paningin. Kahit pilit ko siyang hinahanap kanina, na-realize ko ngayon na hindi ko alam kung handa ba akong makita ang taong ito.

“Lawrence,” mahina kong naisatinig nang magtama ang aming paningin.

“We meet again,” nakangiti niyang wika. Napakagwapo talaga ng mukha niya. Pero ang nakapansin ng atensyon ko ay ang sinabi niya. Nagkita kaming muli?

“We did?” Kunot-noong tanong ko.

“Palagi kitang pinagmamasdan. Subalit ngayon lang tayo muling nagkita,” sagot niya.

“You watch me?” Tanong kong muli.

“I will always look over you,” nakangiti niyang sabi.

Malungkot na ngiti ang isinagot ko sa kaniya. “I don’t deserve it.” Hindi ko alam kung bakit narito sa harap ko ngayon si Lawrence. Wala rin akong ideya tungkol sa tinutukoy niyang huli naming pagkikita.

“You deserve everything that’s wonderful,” he said.

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!