Chapter Seventeen

61K 743 5

CHAPTER SEVENTEEN

JACK'S POV

Nung malaman kong dahil sa utang ng pamilya ni Zayl kung bakit niya ginagawa sa sarili niya 'yun, hindi ako makapaniwala. Hindi ganun ang pagkakakilala ko sa mga magulang niya.

Nung sinabi ni Bianca na hindi tatanggapin ni Zayl ang kahit anong tulong ko, galit ang naramdaman ko. Mas gugustuhin pa niyang tumanggap ng tulong sa iba kapalit ang.. ang pagkababae niya? Sh*t! Hindi ako makakapayag. Ang laki ng respeto ko sa kanya tapos siya mismo ang magwa- wala ng respeto sa sarili niya. F*ck! Maliit lang na halaga sa akin kung tutuusin ang utang na 'yun. Napakataas ng pride niya. Hindi ako makapapayag na ipahamak niya ang sarili niya. Kailangan kong mag- isip ng paraan kung paano niya tatanggapin ang tulong ko kaya sinabi ko kay Bianca na ako na ang bahala. Kinuha ko 'yung address ni Zayl at ibinigay naman niya.

Kailangan ko ng makaisip ng paraan kung paano ko siya mapipigilan sa gagawin niya. Kaya nung makaisip ako, nagpunta agad ako sa tinitirhan niya.

Strategy.

"Paano mo nalamang dito ako nakatira?" Bungad sa akin ni Zayl pagkabukas niya ng pinto.

Halata sa kanya ang pagkagulat.

"I asked your friend." Sabi ko.

Ang tagal niya bago makapagsalita, pansin ko ring hindi siya makatingin sakin.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Sabi ko.

Kanina pa kami nakatayo sa may pinto. Naglakas loob na akong sabihin 'yun sa kanya kahit alam kong ayaw na naman niya talaga akong makita.

"Ano bang kailangan mo?" Sabi niya sabay talikod at naglakad pa- loob.

Wala akong nagawa kung hindi sumunod na lang sa kanya.

"Huwag ka ng maghanap ng iba. Ako na lang. Kahit magkano." Sabi ko.

Ayoko ng magpaliguy- ligoy pa. Halatang nagulat siya sa sinabi ko at alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin.

Kung kinakailangan kong magsinungaling sa kanya, gagawin ko na. Huwag ko lang mahayaang ipagbili ang sarili niya sa iba. If insulting her is the only way to get her out of this stupid plan of her then I will insult her.

Hindi pa rin siya makapagsalita.

"Huwag kang mag- alala, wala na akong nararamdaman para sa'yo. Tulad ng sinabi mo, mga bata pa tayo noon." Sabi ko.

This is it. Alam kong hindi 'yun ang nararamdaman ko. Alam ko ring nabigla siya sa sinabi ko.

"Kung wala ka na talagang nararamdaman para sakin, hindi ka na pupunta dito." Sabi ko.

"Sa tingin mo ba hahayaan kong ibigay mo sa iba ang sarili mo samantalang akong unang naging nobyo mo ay nagtiis noon? Nandito ako dahil ayaw kong may makauna sayo maliban sakin. Kahit magkano magbabayad ako. I'm your first boyfriend at nakasalalay ang pride ko dito. Sabihin mo kung magkano at ibibigay ko just to have sex with you first!" Sabi ko.

Patawarin mo ako Zayl. Ayaw kong nakikitang nasasaktan ka. Kung alam ko lang kung sino 'yung pinagkakautangan niyo sana binayaran ko na lang ng lihim pero wala akong makuhang impormasyon. Sigurado namang hindi mo sasabihin sakin.

Alam kong nainsulto siya kaya hindi na niya napigilan ang sarili niyang sampalin ako. Gusto ko pa sanang magpasampal dahil sa kagaguhan ko pero sinabi ko lang naman 'yun dahil kailangan.

"Umalis ka na. Umalis ka na!"

Alam kong galit na siya. Ayoko lang masaksihan ang pagbagsak ng mga luha niya kaya umalis na ako. Sana um- epekto 'yung mga kasinungalingan ko. Sana mapapayag ko na siya bago pa siya maghanap ng iba.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!