Chapter 15: Exposed

808K 26.4K 5.1K
                                                  

Chapter 15: Exposed

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi ni Lolo Arthur. Pero siya lamang ang nag iisang taong nakausap ko sa pagbisita namin sa bayan. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na malaman kung totoo nga ba ang sinabi niya dahil matapos ang nangyaring gulo sa town square ay pinuntahan kami agad ni Ethan at Gin na narinig ang nangyari. Mula noong oras na yon hindi na sila humiwalay pa.

Gin was angry. Napakarisky ng ginagawa ko. Konting pagkakamali at malaking gulo ang katumbas nito. Halos kaladkarin niya ako sa tabi niya buong maghapon para lamang hindi ako maalis sa paningin niya. Konting pagkakamali gaya ng hindi sinasadyang pagtapak ko sa sapatos niya o pagbanga ko sa likod niya kapag bigla siyang humihinto habang nasa harap ko, ay bigla niya akong pagagalitan. Nakakainis.

But if there is one thing I’m thankful for, yon ay noong binigyan niya ng detention slip ang apat na lalake na nanggulo sa matanda. Maaaring magpataw nito si Gin bilang Team Captain, ganoon din ang Head Boy at ang Head Girl na si Corrine at Ethan. Walang nagawa ang apat kondi tanggapin ito. Kung natakot sila sa akin, aba, mas matakot sila kay Gin.

Hindi ako nakatulog noong gabing yon. O maging sa mga sumunod pang gabi. Nagaalala ako kay Lucas. Gusto kong malaman kung nasaan na ba talaga siya. Maaaring nagkamali lang si Lolo Arthur. Baka iba ang tinutukoy niya. Walang dahilan para umalis si Lucas sa Hesperia.

Alam kong maaari na siyang umalis kung gugustuhin niya. He was, after all, in legal age. Pero paano ang pamilya niya? Sinama niya ba ang mga ito? Bakit naman siya aalis? Hindi ba nangako siyang ilalabas niya ako sa lugar na ito? Isang tanong ang nangibabaw sa isip ko. Tanong na kanina ko pa ayaw harapin pero kahit anong gawin ko ay pilit itong sumisiksik sa isipan ko. Iniwan niya na ba ako?

Ilang araw matapos naming bumisita sa bayan nang mapansin ko yon. Ang mga kakaibang tingin ng mga estudyante sa akin. Nagsimula ito noong Lunes noong pumasok ako sa Breakfast Hall. Para bang may hindi tama. Para bang may iba sa mga tingin nila.

Pilit ko itong pinagsawalang bahala. Isa pa, madami din akong ini-isip noong mga oras na yon. Isa na dito si Lucas at ang bagong training namin na tungkol sa survival. Sa totoo lang madali lang naman ito, almost basic. Familiar na sa akin ang halos lahat ng pinagagawa nila.

Safety rope, cutting style, types of multipurpose utility weapons, poisonous plants and insects, edible plants and insects, hunting methods, marking and tracing at kung ano ano pa. Nabuhay ako sa mga paraan na yon sa loob ng ilang taon. Halos kabisado ko na ang mga ito. Survival skill is taught in Titan Academy to be an advantage in the game. I was forced to learn the same thing outside in order to survive.

Thursday ng umaga noong nagsimula akong mapikon sa mga tingin na binibigay nila sa akin. Naglalakad ako papunta sa Breakfast Hall gaya ng dati nang tumigil ako sa paghakbang at napatingin sa mga matang kanina pa ako tinitingnan ng masama.

“What?” Halos napipikon na tanong ko. Ang aga aga ganito ang bungad ng araw sa akin.

Agad silang umiwas nang dumapo ang paningin ko sa kanila. Nag alisan ang iba sa hallway. Mas lalong kumunot ang noo ko. Ano bang problema nila? Kung makatingin sila akala mo may ginawa akong masama.

Titan Academy of Special Abilities (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon