Pero bakit ganito nalamang kalakas ang kanilang loob para sundan kami?


"Shit! We're out of gas!" Sigaw ni Jake.


Taranta naman akong tumingin kay Jake nang isigaw n'ya iyon. Nakita ko pa na lalong lumalapit ang mga Quins dahil bumabagal na kami. Kanina pa din ako naiinis dahil hindi n'ya ako hinahayaan na lumaban kasama sila Belle.


Sinasabi n'ya lagi na pabayaan sila sa likod pero dahil dumadami ang kalaban ay napilitan na s'yang tumulong habang nagmamaneho. Pero ako? Bawal pa din!


Tuloy ang labanan nila Belle. Lalo namang diniinan ni Jake ang gas para bumilis ang takbo namin. Halata sa na rin ang pagod nila Belle sa pakikipaglaban dahil hindi mapagkakaila na malakas din ang Quins.


Iwinasiwas ni Belle ang kaniyang wand, dahilan para mabunot ang puno sa kaniyang pagkakatanim at tumumba sa daanan ng Quins.


Si Liro naman ay nag-labas ng poison na gas para palibutan ang puno na hinarang ni Belle upang hindi agad ito masira at ang lumapit na Quins ay malalason.


Si Blizz naman ang pumapatay sa Quins na nakalagpas sa harang nila Belle.


"Lets go!"


Nagulat ako nang huminto kami sa isang medyo lumang bahay. Bumaba kaming lahat at dali-daling pumasok sa loob para mag tago. Hawak-hawak ni Jake ang aking kamay habang sila Belle ay nasa aking likod upang magbantay.


Tinignan ko ang kamay n'ya na nakahawak saakin. Tinignan ko din sila Belle na hingal na dahil sa pagod. Hindi ko maiwasang mainis dahil sa nangyayari. Nag-training ako nang ilang buwan para sa mga pangyayaring ganito. Pero para akong bata ngayon na walang magawa dahil ayaw nila.


"Stay here!" Matigas na utos ni Jake at binitawan ako sa isang kwarto sa lumang bahay. Medyo marurupok na ang mga kahoy, bubong, at sahig na animong ilang hakbang nalang ay gigiba na ang bahay. Halatang matagal nang 'di ginagamit at napabayaan na.


Maingat akong gumalaw dahil sa karupukan ng mga kahoy na nagmistulang sahig. Si Jake ay naka-abang sa pinto habang sila Belle ay naiwan sa sala dahil 'yun ang unang makikita kapag papasok.


Tinitigan ako ni Jake na nagbabanta. Tinaliman ko din s'ya ng tingin kasama ng kulay orange ko na mata.


Naiinis pa rin ako!


Nakarinig kami ng mga kalabog sa labas at doon palang ay alam ko nang nandito na ang mga Quins para sugurin kami! Nagsimula na akong kabahan nang bigla nalang tumilapon ang pinto sa kwartong aming pinagtataguan.


Agad na nakipagbuno si Jake sa dalawang Quin na sumugod sakan'ya. Naiwan naman akong nag-papanic dahil sa nangyayari. Nakita ako ng isa sa Quins na nasa loob ng kwarto at akmang sususgurin ako nang tumilapon ito dahil sa tubig na biglang tumama sakaniya. 


Pawis na pawis si Jake nang lumapit saakin. Kakatapos n'ya lang lunurin ang isang Quin na agad nawalan ng buhay.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon