Kabanata 12

26.7K 1.1K 33
                                    

We are now here in the living room, sitting on the sofa. Gray is now choosing a movie to watch while I'm here, panakaw nakaw ng kuha sa popcorn bowl na hawak ko.

"Stop it, Aviva. Ubos na yan pagkatapos kong pumili ng movie." Oops, my bad. Napapansin nya pala ako kahit na nakatutok ang mga mata nya sa screen.

"Peace." I also did the peace sign para mas convincing.

He just patted my head while still finding a movie to watch.

When finally at nakapili na sya while I'm busy on my phone, pumwesto na kami sa sofa with matching comforter pa. He said he chose the movie entitled 'Anabelle' on Netflix.

Well, it's been years since I had this 'movie and chill' time. Kasi nawalan na rin ako ng libreng oras nang bumalik ako sa Bohol. I focused on my job and my children. Nawala na rin sa isip ko ang panonood ng mga movies na yan kaya outdated ako when it comes to movies.

"Let's start." He said and then played the movie that he paused while we're getting ready.

"By the way, what's the genre of the movie that we'll be watching?" I forgot to ask earlier.

"You guess." with matching taas baba pa ng kilay nya.

"Gray!"

"It's horror, Aviva." He smiled evilly. Oh my g! No!

"Can we replace it with another genre? Please." Nagpa-cute pa ako para lang palitan nya.

"No. The rule is, kapag played na ang movie..."

"...bawal nang palitan." Nakasimangot kong dugtong. That's our rule since then.

"That's right! Come on, let's watch." Hinila nya pa ako para mas mapalapit sa kanya sabay akbay sa akin. Well, this is comfortable.

And so we watched the movie. Actually, parang silip lang ang ginagawa ko not really watching. Paano ba naman, medyo nakapikit ako na nakadilat. Parang nakasilip lang kumbaga pero kahit na ganon, malakas pa rin ang sigaw ko tuwing nagugulat at natatakot ako. Urgh! Horror movies aren't really for me.

-

Natapos ang movie na puro lang ako sigaw. I noticed that si Gray na lang ang nakakain sa buong duration ng movie dahil mas focused ako sa pagtakip ng tenga ko at pagsisigaw ko tuwing nagugulat ako.

"Ang daya!" sabi ko sabay tingin sa kanya ng masama.

"Ang alin?" Ngising pagmamaang maangan nya pa.

"Siguro sinadya mong horror para hindi ako makakain at masolo mo ang popcorn no?" Pambibintang ko sa kanya.

"Nope. I chose that to be close like this to you." Doon ko lang napansin kung gaano ang lapit namin sa isa't isa. We are inches away from each other. "Can I kiss you?" He added huskily.

Para akong nahipnotismo sa titig nya kaya napatango na lang ako bilang pagsangayon.

Lalo pa syang lumapit kaya napapikit na lang din ako. Nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi nya ay kasabay nito ang biglaang pagtunog ng isang cellphone kaya nagugulat akong napatayo.

"Aray!/Ouch!" Sabay pa naming react dahil sa pagkakauntugan naming dalawa.

"Sorry! Sorry!" Natataranta ko naman sabi nang makabawi ako. Hinimas himas ko pa ang noo nya kaso patuloy pa rin sa pagtunog ang cellphone ko kung kaya't dali dali ko itong kinuha sa side table.

Hindi ko alam ang gagawin ko nang makitang si mama ang tumatawag sa akin. Madalang lang kasi ang ganitong pagkakataon at kapag tumawag sya, ibig sabihin non ay mahalaga talaga ang sasabihin nya.

The Billionaire's ChildrenWhere stories live. Discover now