Lost 6

1 0 0
                                    

"Para kang baliw diyan." Biro ko sa kanya at kinurot ang ilong niya. "Atsaka 2 weeks lang ako dito. May papayag bang maging boyfriend ko in 2 weeks?

"Ako."  Biglang may nagsalita sa tabi ko. Sabay pa naming nilingon ni Enzo kung sino yung nagsalita.

"HA.HA.HA. funny Benjo." Asar na sabi ko sa kanya. Umusog akong konti para bigyan siya ng mauupuan. "Atsaka I don't need someone guys. I'm not desperate." Paliwanag ko sa kanila.

"Honestly Sam you should give yourself a break." Patuloy ni Enzo.

"I'm giving myself a break Enzo kaya nga ako andito."

"Oh Com'on you're not giving yourself a break. Your giving yourself a heartache there's a big difference you know.' Enzo's being sarcastic again.

"What do you want me to do?" I'm annoyed with him. Seriously he thinks that I didn't do something just to get out Sean into my system? God knows how I tried! I tried every single day of my fucking life.

I know they just want the best for me. I know they just don't want me to get hurt. Andun sila from day 1 up to this day. Alam nila kung gaano ko kamahal si Sean.

I stand up and leave the room. I'm annoyed with them but it will pass. Kailangan ko lang magpahangin. Kailangan ko lang munang mapagisa. All along I know it will be hard to come home, but I didn't realized that it will be harder, ang hirap. ang hirap magpanggap na masaya ka. Oo masaya ka para sa kanila pero hindi ka masaya para sa sarili mo.

How I really want to moved on. Umalis ako 2 years ago dala ang kaisa isang goal at iyon ay ang kalimutan siya. Pero here I am, still hurting, still loving him.

Naglakad ako at pumunta sa may balkonahe para magpahangin. Maliban sa kwarto ko, eto nag paborito kong place ng bahay namin. kasi over looking the city. Malapit kasi sa clift yung bahay namin. Nakikita ko ang halos kabuuan ng Manila.

Umupo ako sa hammock. Natuwa ako kasi hanggang ngayon andito pa din ito. Hindi nila tinanggal kasi nasa malayo ako.

"What are you doing here?" Mga kalahating oras na akong nakahiga sa hammock ng may magsalita sa likod ko. Kahit hindi ko tingnan alam na alam ko kung sino siya. Kilala ko ang timbre ng boses niya kahit nakapikit ako kahit hindi pahulaan masasagot ko ang pangalan niya.

"Nagpapahangin." I thank God dahil hindi nanginginig ang boses ko ng sumagot.

"Hinahanap ka ng ate mo." Simpleng sabi niya sakin. Hindi siya galit. Hindi din siya masaya neutral lang siya.

"Sige susunod na ako." Sabi ko sa kanya. Tumingin lang ulit ako sa langit, nagisip.

Naramdaman kong hindi pa din sya umaalis dahil hindi pa din nagiging normal ang takbo ng puso ko. feeling ata may karera at nakikipagunahan sa lahat ng pusong kakilala niya. Tiningala ko siya at dahil nangangalay ako umupo na din ako. Nagulat na lang ako ng tumabi siya sakin sa hammock.

Actually walang kagulat gulat sa ginawa niya. Ilang beses na din naman kaming nagtatabi at iyon ay dahil sa kakapalan ng mukha ko. Ako kasi ang tumatabi sa kanya, ito lang ang kauna unahan --maliban sa kapag nasa sasakyan-- na kusa siyang tumabi sa akin. Umusog ako ng konti para mas makaupo pa siya. Sam anong katangahan ang ginagawa mo? Sabi ng utak ko. Gusto ko siyang sagutin. kasalanan din naman niya. bakit hindi niya pigilan ang hypothalamus ko na magpadala ng hormones sa puso ko? at kung hindi naman siya tanga. sasabihan niya akong tanga e kung wala siya hindi namna ako gagalaw. Siya nag tanga nagbigay siya ng signal na umusog ako kaya gumalaw ang katawan ko.

"Sabi ng ate mo kausapin daw kita" Panimula niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis.

"Anong sabi ni ate na dapat nating pagusapan?" I asked him a stupid question.

"Hindi ko alam."

"Aaaah." sagot ko na lang. "Magiging kuya na pala kita." Biro ko sa kanya. Lumingon siya sakin nung nagsalita ako. "Pagkatapos na lang ng kasal atsaka kita tatawaging kuya ah. Hindi pa kasi ako sanay." I hold back the tears. Tangang puso at mas tangang utak. Bakit kailangan magbigay ang utak ko ng signal na maiyak ako? Tapos ako pa sasabihin niyang tatanga tanga?

Hindi pa din siya nagsasalita, wala ba siyang masabi o sadyang ayaw lang niya akong kausap.

"Okay na siguro to, Pwede ka na sigurong pumasok. Maiisip na ni ate na nakapagusap na tayo." Tumayo na ako para umalis kaso nung hahakbang na ako hinawakan niya ako sa braso,

"Why did you leave?" He asked me.

"Huh?" I got confused.

"Why did you leave 2 years ago?" He asked me again.

"You asked my sister's hand in marriage I'm so happy that's why I left." I told him with sarcasm. Seriously tatanungin niya ako ng ganyan? Eh may mas tanga pa pala sa utak ko e. See brain you're smarter than him but still stupid because you made me fall in love with him. Tama bang sa utak isisi ang lahat?

"Sean, bakit ka nagtatanong ng ganyan tanong?" I asked him, parang mas pagod pa ako sa usapang ito kaysa sa biyahe ko. "Masaya ka naman na, ikakasal na kayo, masaya siya. edi ebrybady hapi. you should be happy dude!" Biro ko sa kanya pero hindi ko alam kung nakakatawa dahil alam ko, nararamdaman ko para na akong sira dito. ang plastic ng tawa ko ang plastic ko magdeliver ng line.

"You should have told me you're leaving," Mahinang sabi niya. Umupo ulit ako sa tabi niya. napapagod akong tumayo. nauupos ang lakas ko. Bakit ba kailangan pa niyang maging ganito. Tapos naman na. hindi na ako naghahabol. bakit kailangan pa niya ako bigyan ng pagasang alam kong hanggang pagasa na lang.

"Sean, ano pa bang gusto mong gawin ko?" Tinanong ko siya. tiningnan ko siya sa mata. "Kailangan pa ba natin ng closure? E diba para lang naman yun sa naging magOn tapos hindi nagkaron ng linaw ang paghihiwalay? Bakit ako magsasabi sayo na aalis ako e tinakasan nga kita." Litanya ko pa. Ewan ko ba ang talitalino naman nitong si Sean pero bakit ngayon. Pinapagana niya ang kabobohan niya.

"Tinakasan?" Mas kausap niya ang sarili niya kesa sakin.

"Sean, I was hurt I admit it. When you asked ate to marry you I swear to God I almost died every seconds I waited for her to answer you. Nagbabakasakaling umayaw siya. But I died million times when she answered you. I loved you. but I'm not a masochist. I know when to stop Sean, and when she said yes to you I know my lose the only battle I fought in my whole life. Pero ate ko siya, kung ibang babae pa yan. siguro pinatay ko siya bago ka pa niya masagot." Tumawa ako ng konti. "Pero dahil ate ko siya, nasaktan ako oo, pero masaya ako. Kasi kahit hindi ka naman naging akin. magiging kapamilya pa din kita. Bilang isang kuya ko. Siguro naman hindi mo ipagkakait na maging kapatid ako diba?" Nakangiti kong sabi sa kanya. Pinipigilan kong umiyak. Eto ang namaster ko sa ibang bansa ang pigilan ang luha ko. Ang magpanggap na masaya ako, ang magpanggap na okay ako.

Tumayo na ulit ako. Hindi na ako umasang pipigilan niya ako dahil alam ko tapos na kaming magusap. kahit ako lang naman ang nagsalita. What happened 2 years ago? That was my greatest memory and that was also my death anniversary.

I Am LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon