Sabi nila kapag nakakita ka ng bituin na nahulog mula sa kalangitan ay humiling ka at ito'y matutupad. Kaya naman humiling ako nang nakakita ako ng isa, na sana ay magkita at magtagpo muli ang ating mga landas isang araw. Hindi ako naniniwala sa mga kasabihan gaya nito pero humiling ako nang pabulong sa hangin at nagkakatotoo ng mag krus muli ang ating mga landas. Ang Saya ko ng araw na iyon nang makita kang muli. Matagal din mula nang makita ko ang mukhang iniisip ko gabi-gabi, ang mukhang dumadalaw sa mga panaginip ko gabi-gabi. Di pa din nagbabago ang amo at ganda ng iyong mukha, matamis pa rin ang mga ngiti sa'yong mga labi at yung tawa mong malumanay pa sa mga kilos mo. Nakakamiss makita ang ang iyon ng harapan, at parang walang nabago sa mga lumipas na panahon pero nagkamali ako. Madami na palang nagbago at hindi na gaya tulad ng dati. Sinubukan kitang lapitan at kausapin pero walang salita na lumabas sayong mga labi at para lang akong hangin na dumaan sayong harapan. Nakalimutan ko hindi na pala tayo gaya ng dati, marami na ang nagbago at hindi na maibabalik sa dati. Ngayon sa ilalim ng mga bituin sa langit hinihiling na sana'y di na lang tayo muling nagkita para ang kirot sa puso na dulot ng kahapon ay di na madama.
YOU ARE READING
Midnight Thoughts.
PoetrySa likod ng mga tula, sentimento, storya ay may mga tao, pangyayari at eksperyensya na naka-ukit sa puso't tinta ng may akda. 🥺🙂 DISCLAIMER: Ang mga gawa at sulat ko ay mga orihinal. Matuto kang gumawa ng sayo at wag magnakaw ng gawa ng iba. Tanda...
