Caela.

Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko habang naglalakad kami papunta sa academy na tinutukoy ni Dindin. Kinakabahan. Excited. Ngunit hindi ako nakakaramdam ng takot at hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa mga nakikita. It's just so... magical. I didn't think that I'll be in this place and I can feel that I really belong here.

"Ang ganda naman dito, Dindin." huminga ako ng malalim at muling iginala ang paningin. Masarap sa matang tingnan ang makulay na paligid. Maraming puno at bulaklak ang aming nadadaanan. May mga maliliit at makukulay na kulisap ang nakakalat sa paligid at animo'y sinusundan kami ng mga ito.

Nangingiti ako, pansamantalang nakakalimutan ang sakit na dinadala ng aking puso.

"Siyempre, dito po ako nakatira e." sagot niya sa akin. Napakunot ang noo ko dahil doon.

"Luh? Ano ang connect?" natatawang saad ko sa kaniya.

"Maganda ang paligid kasi isang diyosang katulad ko ang nakatira. Hihihi." narinig ko pa ang mahihina niyang bungisngis.

"Bata pa lang pero ang galing ng magsinungaling. Ihulog ko kaya 'to?" I murmured, not thinking that she'll hear me.

"Baliw ka na ba, ate Caela? Nagsasalita ka mag-isa tapos kung ano-ano pa ang ibinubulong mo diyan. May nakikita ka po bang hindi ko nakikita?" inosente niyang tanong, sinilip pa niya ang mukha ko.

I sighed. Mukhang hindi lang katawan ang sasakit sa akin dahil sa batang ito ah, pati din yata ulo.

"Malayo pa ba tayo, Dindin?" medyo malayo na ang nalalakad namin at wala pa kami sa pupuntahan namin.

Though, okay lang naman dahil maganda naman ang paligid, busog na busog ang mga mata ko.

"Malapit na po ate. Pagod ka na ba? Kasi ako hindi pa! Konting tiis na lang po." pang-aalo niya sa akin, naramdaman ko ang paghalik niya sa pisngi ko. Sweet!

"Paanong hindi ka mapapagod, e buhat kita? Ihulog kita diyan. Lokong bata 'to." Nangingising saad ko sa kaniya. Mapapailing ka na lang talaga.

"Ay oo nga pala! Sorry po!" pacute pa..

She's too cute and I badly want to pinch her chubby cheeks, pambawi man lang sa pananakit ng likod ko.

Tumahimik na lang ako dahil nakakapagod din magsalita. Nagpatuloy lang kami, I mean ako lang pala, sa paglalakad.

"WOW! Ang ganda naman tapos ang laki pa. It looks like a kingdom not a school." parang batang namamangha ako sa nakikita.

Akala ko sa mga fairytale lang may ganito. Pati pala sa totoong buhay.

Nandito kami sa tapat ng isang malaking gate at sa loob nito nandoon ang isang napakalaking kastilyo. Kumikinang ang paligid nito. May mga maliliit na alitaptap ang lumilipad sa paligid at nagsasaboy ng makukulay na bagay sa paligid.

"Siyempre po kasi ang mismong mahal na reyna ang nagdisenyo niyan. At ang mga pixie fairy naman po ang nagpapanatili ng kinang ng paligid."

So pixie fairies pala 'yun, hindi alitaptap. Hehe.

"Ang galing naman."

Ibinaba ko na siya mula sa pagkakapasan ko sa aking likod. Nag-stretching ako dahil ang sakit ng likod ko. Humahagikhik na nilingon niya ako.

Napapangiti na napapailing ako dahil sa kacute-an niya. Sulit naman ang pagod kung ganito kacute ang nilalang na nasa harap ko.

"Tara na ate, pasok na po tayo." Binundol ng kaba ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!