Chapter 18

66.4K 861 5

CHAPTER 18


JAMES

"Ano 'to? I mean anong gagawin ko dito?" Tukoy ni Karren sa iniabot kong ticket.

Nakipagkita ako sa kanya dahil sa isang mahalagang plano.

"Pupunta tayo sa Paris this weekend." Sabi ko.

"Tayong dalawa lang?" Tanong niya na gulat na gulat.

"Oo." Sabi ko.

"Ahh.. Ang sweet naman ng fiance ko," sabi pa niya.

"Karren, I'm serious." Sabi ko.

"Eh bakit ba tayo pupunta dun?" Sabi niya.

"Magpapaalam tayo sa parents natin na magbabakasyon at pagbalik natin dito, sasabihin nating kasal na tayo." Sabi ko.

Iyon lang ang naiisip ko sa ngayon para maurong na ang kasal na pina- plano ng mga magulang namin dito sa Pilipinas.

"Akala ko ba ayaw mong mag- pakasal eh bakit atat na atat kang makasal ngayon sakin at sa Paris pa?" Sabi niya.

Tss, kailangan kong ipaliwanag ng mabuti sa kanya.

"Magpapanggap lang tayong ikinasal sa Paris. May condo unit ako doon na matutuluyan natin. Ako ng bahala sa lahat at sa pekeng wedding ring." Paliwanag ko.

"Ganun ba, bakit kailangan nating gawin 'yun?" Sabi niya.

"Para hindi na nila ituloy ang plano nilang pagpapa- kasal satin dito." Sabi ko.

"Pumayag kaya silang hindi tayo ikasal dito kahit sabihin nating nagpa- kasal na tayo sa Paris?" Sabi niya.

"Malakas ang pakiramdam kong papayag sila. Iyon naman ang gusto nila di ba? Ang makasal lang tayo?" Sabi ko.

"Paano kung hanapan nila tayo ng marriage contract at ng kung anu- ano pa?" Tanong niya.

"Maraming paraan pero hanggat kaya natin silang lusutan, magagawa natin." Sabi ko.

"Paano kung pagsamahin na nila tayo sa iisang bubong?" Tanong niya.

"Saka na natin isipin 'yan kapag andun na tayo sa puntong 'yun. Basta ang importante, galingan nating magpanggap." Sabi ko.

Yeah, magpanggap. Nakakasawa ng magpanggap kaya ipinapangako ko, makahanap lang ako ng tamang tiyempo, sasabihin na namin ni Crystal ang tungkol sa relasyon namin. Sa ngayon, masyado pang magulo.

..

"Nasabi mo na ba kay Karren ang plano mo?" Tanong ni Crystal na nasa kabilang linya.

"Nai- paliwanag ko na sa kanya mahal ko." Sabi ko.

Bago ko kausapin si Karren tungkol doon ay nag- usap na kami ni Crystal.

"I will miss you." Sabi niya.

"I'll miss you too." Sabi ko.

"Huwag kayong mag- iinom dun ha?" Sabi niya.

Napapatawa naman ako sa iniisip niya.

"Akala ko may tiwala sakin ang mahal ko?" Sabi ko na napapatawa.

"Mahirap na, magaling na ang nakakasiguro." Sabi niya.

"Okay po." Sabi ko na lang.

"Promise?" Sabi niya.

"Okay, promise." Sabi ko.

CRYSTAL

Tumatawag si Karren.

"Hello friend!" Bungad ni Karren na kulang na lang ay tumili.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!