Chapter 2: Voice

Começar do início
                                    

Mayamaya lang ay nagsimula na ang activity nila Ayah at ang buong klase nito. They're performing a group declamation and Ayah and her classmates really perfect their piece! They really did well! I felt proud and happy for them!

Napuno nang malakas na palakpakan ang classroom nila Ayah. Halos sabay kaming tumayo ni Sasa noong matapos ang presentation at nakangiting pumalakpak para sa anak at sa pamangkin nito. Kumaway naman sa akin si Ayah noong matapos sila sa pagtula na siyang nakangiting ginantihan ko rin nang pagkaway.

"You really did well, baby," puri ko kay Ayah noong makalapit na ito sa akin. "I'm so proud of you." Dagdag ko pa at hinalikan ang noo nito.

"Thanks, mommy," nakangiting sambit ni Ayah binalingan si Sasa sa tabi ko. "Hello, Tita Sasa!" She greeted her. Napabaling ako dito at takang tumingin sa kanya.

"Hello, beautiful! You did well," ani Sasa at nginitian si Ayah.

"Wait... she called you Tita," puna ko at tiningnan si Sasa. Well, I was surprised! Oo nga't tinuturaan namin si Ayah ng ilang tagalog words pero hindi ko matandaang nabanggit namin ang salitang iyon sa kanya.

"Lindsay told me to call her Tita Sasa, too, mommy." Wika ng anak ko na siyang ikinagulat kong muli. Mukhang naramdaman nito ang pagtataka ko kanina. "She's pretty, right? I want her to be my tita too, mommy!" Ayah exclaimed. Lumapit naman sa amin ang pamangkin ni Sasa na si Lindsay at niyayang lapitan nila ang ilang kaklase na ngayon ay kausap ang kani-kanilang mga magulang. Mabilis namang pumayag si Ayah at nagpaalam sa akin. Sinundan ko nang tingin ang dalawang bata at napangiti na lamang noong magiliw nilang binati ang mga magulang ng mga kaibigan nito.

"Ayah is a smart girl. The way she talks, alam mong matalino talaga ito."

"Mana sa ama niya," nakangiting sambit ko habang nakatingin pa rin sa anak.

"Where's your husband, anyway? Hindi ba ito nanunuod sa presentation nila?" Tanong nito na siyang ikinatigil ko. Bumaling ako kay Sasa at tipid na nginitian ito.

"Medyo abala ngayon si Veron." Turan ko at binalingang muli ang anak. "Siya kasi ang nagtratrabaho sa amin. He's a doctor."

"A doctor? Nice! Kaya pala matalino itong si Ayah! Mana nga sa ama niya!" Nakangiting sambit nito. "At mukhang mas malakas ang dugo ng asawa mo, Amari. Mas kamukha nito si Ayah!"

Napaisip ako. Well, yes, kamukha nga ni Veron si Ayah. Mas marami ang nakuha nito sa ama kaysa sa akin!

"You're right," mahinang sambit ko at muling tiningnan ang anak. "She's the girl version of her father."

"Hearing that from you, parang gusto kong makilala ang asawa mo." Magiliw na sambit nito sa akin. Natigilan ako sa narinig at muling binalingan si Sasa. Kita kong natigilan din ito sa sinabi niya at mabilis na nailing at natawa sa sarili. "Don't get me wrong. I just want to meet Ayah's father. Madalas din kasi nitong mabanggit ng bata tuwing nakakausap ko ito. Of course, kayong dalawa ang palaging binibida nito sa akin."

"I can arrange a dinner for us if you want," maingat na sambit ko na siyang ikinatigil ni Sasa. Muli itong ngumiti sa akin at magiliw na tumango.

"Of course! Isasama ko ang fiance ko kung ganoon!" Aniya na siyang ikinagulat ko naman. Nakangiting itinaas ni Sasa ang kanang kamay nito at ipinakita sa akin ang isang diamond ring na suot nito.

"Ang ganda," komento ko at wala sa sariling napahawak sa suot na singsing. Pinagmasdan ko ang maaliwalas na mukha ni Sasa habang ikinukuwento naman ang tungkol sa mapapangasawa nito. She's in love. Really. Ramdam ko ang pagmamahal nito base sa mga salitang binibitawan niya.

How I wish I remembered that feeling too. Iyong araw na niyaya ako ni Veron na magpakasalan, iyong araw na ikinasal kami at iyong araw na isinilang ko si Ayah. Sana ay kahit iyon man lang, kahit ang pakiramdam lang nang kasiyahan at pagmamahal sa mga araw na iyon, kahit iyon lang ay maalala ko, maalala ng puso ko.

IAH2: Remembering The First BeatOnde histórias criam vida. Descubra agora