DJ's POV.

Palabas na ako ng campus, nang makita ko si Kath na nakaupo sa may waiting shed. Sino ang inaantay niya? Si JC? Sa pagkakaalam ko, kanina pa nakauwi yun. 

At kung hindi niyo naitatanong, magkaaway na kami ni JC ngayon.

Gusto kong lumapit pero ayaw ng mga paa ko, gusto kong magsalita pero ayaw ng mga bibig ko...

Gusto ko ng umalis, pero ayaw ng puso ko.

Nakatayo lang ako sa likod niya. Gusto gusto ko ng magsimula pero alam kong natotorpe ako. Ngayon ko lang naramdaman 'to, yung kinakabahan bago mag-simula ng conversation. Ewan ko ba, natatakot ako. 

Hanggang sa....

...Tumayo na siya at napaharap siya sa akin.

5 segundo kaming nagkatitigan. Sa 5 seugndo na yun, nalaman ko na malungkot siya, halata naman sa mga mata niya. Pero bakit? Di'ba dapat masaya siya dahil kay JC? Pero bakit iba ang nakikita ko? Ano ba talaga ang nangyayari?

"K-kath.." Sambit ko.

"Kath?" Sarkastikado niyang sabi. Tapos ngumiti siya. "Daniel." 

Lumapit ako sa kanya, hahawakan ko sana siya sa braso niya pero bigla niya akong nilayuan. "Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Dalian mo, madami pa akong gagawin."

"Sorry. Sana mapatawad mo pa ako." Bulong ko.

"Patawad? Siguro naman.. pero hindi pa ngayon." Kinuha na niya yung mga gamit niya tska lumakad papalayo.

Hindi pwede to. Ayoko ng ganito. 

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!