Kabanata 10

31.4K 890 243
                                    

The pain that I felt yesterday was now gone, not completely but bearable. Yuckies pero hindi na maiiwasan yung paminsan minsang bubulwak.

"Aviva?" He knocked on my door and opened it afterwards.

"What is it?"

"Are you feeling better now?" I nodded and smiled at him. Ang light ng pakiramdam ko dahil buong maghapon ba naman akong inasikaso ni Gray. Simula nang maging ina ako, nakalimutan ko na ang pakiramdam na alagaan dahil ako ang madalas na nag-aalaga.

"Yeah. Thank you for taking care of me." I said softly. I really appreciated what he did yesterday. Dahil dyan, I'll give him ten Gray points.

"Do you want to go outside? Let's go to the mall and buy snacks?" He smiled.

"Ice cream?!" I said excitedly.

"And a bucket of crisscut fries if you want."

"Yehey! I'll take a bath na so chupi. Maligo ka na rin, amoy kama ka." I joked even though he smells so good even in the morning. Bakit ang unfair naman po?

"I smell good kaya. Amuyin mo ako." Lumapit siya sa akin at itinapat nya ang mukha ko sa kili kili niya.

"Gray! Bakit sa kili-kili?! Ligo ka na nga!" Pagtataboy ko sa kanya.

"Ang arte. Remember? Ito ang parte ng katawan ko na gustong-gusto mong amuyin." Sinabayan pa niya ng taas baba ng kanyang kilay na parang nang-aasar.

"Graaaay! Labas na nga! Ligo na para maka-alis na tayo." Tinulak tulak ko pa siya papalabas ng pinto para makaligo na rin sya.

Ang pilyo pa rin. Iling iling ko habang papunta sa closet para kumuha ng damit na maisusuot ko sa pagpunta namin sa mall.

-

Pagkalabas ko ng silid ko ay bumungad sa akin ang fresh looking Gray in his casual wear. He's wearing a white shirt with a print, just do it, paired with a back step shorts and his dark blue bayaband flip.

All in all, he looks so young and gwapo.

"Are you done, Aviva? Pwede mo naman akong kuhanan ng litrato kung hindi ka pa tapos para makapunta na tayo ng mall habang tinititigan mo ang litrato ko." He smirked.

"A-ang k-kapal! Ang hangin mo, Gray! Halika na nga!" Sabay talikod ko sa kanya at baba para makaiwas sa kahihiyan.

Naririnig ko pa syang tumatawa habang humahabol sa akin.

Nakakahiya ka, Aviva Lorelei! I scolded myself as I entered his car.

-

Narito na kami sa mall. Naglalakad lakad habang pangisi ngisi pa rin si Gray sa tabi ko.

"Gray! Tigil na kasi." Ang sama na talaga ng tingin ko sa kanya dahil naasar ako sa pagkapahiya hanggang ngayon.

"Asus. Eto na, hindi na. Baka kagalitan mo na ako nyan eh." Sabay akbay nya sa akin at nagpatuloy sa paglalakad.

We we're walking to nowhere nang mapadpad kami sa activity center ng mall at nakitang may mga taong nagkakagulo. Ano kaya ang meron?

"Halika, maki-chismis tayo." Sabay hila ko sa manggas nya. Nagpadala naman sya sa akin.

Lumapit ako sa isang grupo ng teenager na nasa bandang likuran at mukhang excited na excited sa magpeperform ngayon.

"Excuse me. Pwedeng magtanong?" I asked nicely.

"Ano po yon, ate?" Lingon nya sa akin. Pero saglit lang yon dahil mas tumingin sya sa tabi ko. Neng, gurangers na yan for you. Kami ang bagay hindi kayo. Charot!

The Billionaire's ChildrenWhere stories live. Discover now