Prologue

107 17 0
                                    

"Doc thank you so much for saving our son, hindi ako nagkamali ng ikaw ang piniling  mag opera sakanya." Saad ng isang ginang sa'kin matapos na maging ma tagumpay ang operasyon ng anak niyang may sakit sa puso, na kung tutuusin ay hindi ko na dapat niligtas at ginamot pa tutal ay mahina na talaga ang katawan ng bata. Kung hindi lang sila nagbayad ng malaki ay papatayin ko nalang ng mabilisan ang anak nila, sa ganoong paraan mapapakinabangan ko pa ang atay niya, match pa naman sana sila ng anak ni Gov na handang magbayad ng milyon, mabuhay lang ang anak.

"Job well done Dra.Valena isang successful operation na namanang nagawa mo, kaya dahil dyan you can go home for a while and take a rest," sambit ni Dr.Paterson sa'kin matapos kong lumabas sa OR habang hinuhubad ang aking lab gown.

"Oh well what to expect Doc magaling ako at bihasa, kaya hindi na nakakapagtaka na successful na naman itong operasyon," masaya kong tugon na sakanya sa nagbibirong tono.

I'm proud to say na isa ako ang pinaka magaling na doctor sa ospital na kinabibilangan ko, bakit?dahil karamihan sa mga pasyente ng ospital ay ako ang pinipili at gustong maging doctor nila, isang bagay na pabor sa'kin dahil hindi ako gaanong mahihirapan na gawin ang totoong pakay ko sa iba, lalo na sa mga mahihirap na salat sa buhay.

"Oh well hindi ko iyan maitatanggi dahil kahit ako ay ikaw ang gusto na mag alaga sa'kin sakaling maging pasyente ako... Take a rest for now Doc dahil baka magka sakit pa ang magaling naming doktora." naka ngiting saad ulit ni Doctor Paterson sa,kin.

Dumiretso ako sa doctor's lounge para ayusin ang mga gamit at ang sarili na rin bago tuluyang umuwi, pero biglaan akong napatigil sa ginagawa ng biglang tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag na kaagad ko namang sinagot.

"Reaper handa na ang lahat ikaw nalang ang kulang," sambit ng isang tauhan ko mula sa kabilang linya ng tawag.

"Papunta na ako!" seryoso kong tugon sakanya sabay putol sa tawag at akmang ibabalik sa bag ang cellphone ng muli itong tumunog, at ng tignan ko ang caller ID namuo na naman ang galit at inis na meron ako sakanya. Ang aking ama na walang ibang alam kundi gamitin ako at ang trabaho ko, para sa pansariling dahilan at siya ay si, Victor Volkov na kailanman man ay hindi naging mabuting ama sa'kin.

"Dad," sambit ko ng sagutin ko ang tawag niya.

"Valena save the senator's son as soon as possible!at siguraduhin mong maililigtas mo ang bata dahil kung hindi, alam mo kung ano ang mangyayari sayo at kay Vance!" maawtoridad niyang saad mula sa kabilang linya.

"Yes Dad gagawin ko but please, don't you dare lay a hand on my brother," may galang ko pa rin na tugon kahit sa totoo lang ay gusto ko siyang murahin.

"Good!" muli niyang sabi bago tuluyang putulin ang tawag.

Napabuntong hinga nalang ako ng malalim matapos na ibalik ang cellphone sa bag, tapos na akong magdugtong ng buhay ngayong araw at oras na para kumitil naman ng buhay mula sa iba.

"Doc Volkov!" dinig kong tawag  ng isang babae habang humahangos na lumapit sa'kin.

"Ikaw nalang ang pag asa ko Doc iligtas mo ang anak ko!" sabi niya ng umiiyak habang hawak ang kamay ko.

Sa dami ng naging pasyente ko ay hindi ko na alam kung sino ang tinutukoy ng babaeng nasa harapan ko, pero base sa naalala ko isa siya malamang sa mga mahirap at walang kakayahan na tustusan ang gastusin sa ospital kaya naman agad ko ng winawakasan ang buhay nila.

Bloody Saviour [ Series #6 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon