What Happened Then (Flashback) 6 - The Awakening of the Temptress

468K 7.1K 455
                                    

*Patricia's POV*

Anim na buwan na niya akong asawa – asawa sa papel at sa mga mata ng taong nakakaalam na ikinasal kami, pero hanggang doon lang ako. Ni minsan ay hindi niya ako tinapunan ng tingin o kahit kausapin man lang. Hindi ko na rin siya kinukulit tungkol sa unang pag-aaway namin bilang mag-asawa , "I am really sorry," narinig kong bulong niya nang namalayan kong nailipat niya pala ako sa kama. Nagkunwari akong tulog noon, nakiramdam – pero yun lang ang sinabi niya kaya naisip ko na hindi niya kayang saktan ako ng lubosan. Kunting tiis na lang siguro ang kailangan kong gawin.

Kahit kunwari wala akong pakialam, aaminin kong lihim pa rin akong nagtatanong sa isip ko kung sino ang karibal ko sa puso ni Stuart. Kailangan kong malaman kung sino ang kalaban ko para matantiya ko kung ano ang lamang ko. Ilang araw ko siyang pinasundan pero sabi ng imbestigador na tanging bahay at opisina lang ang mga pinupuntahan niya. Wala rin siyang malisyosong nakakasabay sa opisina at kahit i-trace ang kanyang calls ay wala namang mga nakakahinalang tawag. Minsan naman ay pumupunta daw siya sa bar ni Mago pero mga kaibigan lang daw niya ang mga kasama nito at walang babaeng lumalapit dahil tinatanggihan niya ang mga ito.  Minsan nga naisip ko na baka nagsinungaling lang si Stuart tungkol sa babaeng kasama niya nung gabi ng kasal namin. Pero bakit siya magsisinungaling?

Sa totoo lang, nanghihina na rin ang loob ko. Anim na buwan na lang at magtatapos na rin ang kasunduan namin, ni hindi nga ako naka-first base, kahit halik man lang. Hindi rin mai-aalis sa aking magtaka kung bakit hindi siya nahuhumaling sa akin. Ilang umaga na akong nagpapakahiyang magsuot ng sexy lingerie habang kumakain kami ng breakfast? Ginagawa ko yun dahil hindi ko naman siya ma-seduce pag-gabi – magkahiwalay kasi kami ng kwarto.

Nababaliw na ata ako pero kailangan ko na talagang kumilos kaya may pilyo akong naisip. Pinagawan ko ng master key ang kwarto ni Stuart dahil balak kong pasukin ito. Huwag kayong violente, hindi pa ako ganoon kahibang para halayin ang asawa ko. I-seseduce ko lang siya ngayong gabi. Alam kong wala siyang na-ikamang babae simula nung ikinasal kami kaya alam kong mahihirapan siyang tanggihan ako. Malapit nang matapos ang kasunduan namin kaya kailangan ko na talagang gumawa ng drastic measures.

Alas diyes na ng gabi kung umuuwi ang asawa ko kaya alas otso pa lang ay nagshower na ako, nagpabango at saka pinasok ang kwarto niya. Plano kong surpresahin siya pagkapasok niya.

Matagal kong tinitigan ang sarili ko sa harap ng salamin. Sexy naman ako – hindi maliit ang hinaharap ko, sa katunayan nga, malaman ito. Maganda rin naman ang hubog ng aking katawan. I also have a sexy butt – pero bakit parang walang reaksyon si Stuart tuwing nagsusuot ako ng mga skimpy lingerie tuwing breakfast? Baka hindi effective ang lingerie – kaya naisipan kong ibahin ang tactic ko ngayong gabi.

*Stuart's POV*

Nagmadali akong pumasok sa banyo ng aking opisina at doon ko ginawa ang lagi ko nang ginagawa tuwing umaga. Putcha! Nagiging morning routine ko na ata 'to. Nagsuot na naman kasi siya ng sexy kaninang umaga, ang tanawin ng kanyang malusog na hinaharap ang naging ulam ko na naman. Nahihibang na talaga ang asawa ko at talagang determinado itong i-seduce ako . Inaraw-araw niya kasi ang pag-rarampa ng mga maseseksi niyang lingerie. Para atang nagiging collection na niya ang mga iyon.

Ayokong may mangyari sa amin ng dahil sa libog lang. It will be very unfair for her, kaya tiniis ko ang nararamdaman kong libog at tuwing pagdating ko sa opisina ay sa banyo ang first session ko!

Madaling natapos ang araw dahil masyado akong naging abala sa trabaho pero kahit wala na akong trabaho ay nandito pa rin ako sa opisina, nakatitig sa profile pic ni Sandra sa facebook. Araw-araw ko itong binubuksan kahit nakaprivate ito at tanging profile pic niya lang ang makikita ko. Ilang beses ko na rin siyang pinadalhan ng messages at friend request pero hindi siya nag-reply o kahit tanggapin man lang ang friend request ko. Ganoon pa man, umaasa pa rin ako. Alam kong ginagawa niya ito para hindi sila magkagulo ng pinsan niya kaya naiintindihan ko kung bakit lumayo muna siya.

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon