CHAPTER 73

3.8M 104K 150K
                                    

DEIB'S POV

Dumeretso na ako sa Gym pagkaalis ni Taguro. Sinubukan kong panoorin sila Lee at Tob na magpractice ng Basket pero naprapraning talaga ako. Binabasa ko ang syllabus ng Bio ng bigla kong maalalang may special quiz pa nga pala ako kay Miss.

"Shet!" sigaw ko.

"Oh baket?" si Tob.

"Damn it! May special quiz nga pala ako kay Dragona bukas." sabi ko na inihilamos pa ang mga kamay ko sa mukha ko.

"Oo nga ano? Nawala rin sa isip ko."

"Lalo na ako. Nakakainis! Akala ko ay yung Exam lang ang problema ko." nanlulumanay na sabi ko.

"Tsk, gusto mo ba tulungan nalang kitang magreview?" seryosong tanong niya.

'Hindi, hindi pwede. Baka mataasan ko pa siya sa exam, magtampo.'

Minsan na kasing nangyari yun sa amin, nung Elementary. Hindi ko masaulo yung Solar Sysytem. Tinulungan niya ako at nasaulo ko naman pero, nung mismong quiz na ay mas mataas pa ako sa kanya. Wala namang problema sa amin yun e, kaso inasar siya ng inasar ni Kim kaya ayun, NAPIKON!

"Hindi na dre, makakapagreview pa naman ako at may syllabus naman. Siguro kailangan ko lang talagang magfocus."

"Ganon ba? Sigurado ka ah? Basta alam mo namang okay lang sa akin yan. Kahit mataasan mo pa ako sa huli." nakangiting sabi niya. Ramdam ko naman ang sinseridad niya kaya nginitian ko rin siya.

"Hindi na dre, kailangan kong magsolo ngayon. Baka kasi masanay akong nagpapaturo sa iyo."

"Hahahaha okay lang, kaya nga magkaibigan tayo e."

Nagfist bump kami at maya maya ay tumayo na siya at lumapit sa team mates namin, dahilan para maiwan na naman akong mag-isa at naprapraning. Mas nag-aalala ako sa magiging apekto nito sa grades ko, at kung ano na lang ang masasabi sakin ng mga tao.

Family of Doctors kami, ako na lang nga ang hindi Doctor. Tapos sa Science pa ako mahina. Nakakainis!

'May quiz ako sa Bio kay Miss Agaser. Tapos may Proficiency Exam pa! Anak ng, ano na lang ang mangyayari sa akin? Baka maghiwahiwalay ang utak ko sa mga exam na yun. Badtrip! Imbes na ang iisipin ko nalang ay yung pagpapasukat ng uniform ang dami pang dumagdag. Asar!'

Maya maya pa.

"Deib!" napalingon ako ng tawagin ako ni Lee.

"Oh?" sagot ko.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

'Bakit naman pinapauwi na ako nito?'

"Sabay sabay na tayo." npapakamot sa ulo na sabi ko.

"Marami ka pang dapat aralin dre." sabi niya habang papalapit sa akin at nagpupunas ng pawis at maya maya pa ay sumunod sa kanya si Tob.

"Oo nga Deib, may quiz ka ke Dragona, tapos yung Proficiency Exam pa. Magsolo ka na hehehe!" si Tob.

Naiintindihan kong concerned sila, pero lalo akong naprepressure sa ginagawa nila ngayon.

"O-Oo nga."

"Kaya nga umuwi ka na at mag-aral ka." si Lee.

"E bakit ba p-pinapauwi niyo na ako? Hihintayin ko nga kayo e."

"Wag mo na kaming hintayin dre, wag mong sayangin ang oras kapapanood sa amin dahil ikaw naman ang pinakamagaling sa atin. Kailangan mong mag-aral dahil mahalaga yung quiz at exam na yun." si Tob.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon