"Ms. Dela Serna.." tawag niya sakin na ikinagulat ko. Dont tell me pagagalitan na naman niya ako eh wala pa naman akong ginagawa?
"Come here in front" tinignan ko yung mga classmates ko na parang mas kinakabahan pa kaysa sakin. Nag aalangan man pero tumayo na din ako. I felt Derick's hand glided on the small of my back and whispered softly 'I love you' as I walked casually papunta sa harapan.
For a moment nagkatinginan lang kami ni Ma'am Veluz. Hindi ko alam kung ano ang ibinabadya ng mukha niya. For a while, I am desperately trying to find out in her eyes the reason kung bakit ang mean niya sakin. But of course there's nothing I can see bukod sa authoritarian aura niya that is usually there.
"I saw your penmanship and so far you have the best one here in your class. What I want you to do is isulat ito sa board habang kumokopya ang mga classmates mo" she gave me a book na sa tingin ko ay reference dahil hindi naman ganito ang itsura ng book namin, at itunuro sakin yung isusulat ko.
And upon seeing it, gusto ko sana mag suggest na lang na ipa photocopy dahil ang haba haba. But then on the other side natatakot ako na baka ipahiya niya na naman ako kagaya ng ginagawa niya. Ipahiya niya na ako doon sa dalawang subjects wag lang dito na kaklase ko ang boyfriend ko!
"Ano pang hinihintay mo? Time is running out" she said cutting off my thoughts and handed me a white board marker.
I moved closer sa board and uncapped the marker. Time is running out? Nope. That isnt real. Time is not something we'll run out off. Ang oras naman hindi parang panonood ng movie sa DVD. That you'll be the one to decide what or when it to be played. That you have the free will to choose what scenes to watch.
The sucky thing is, time is not something we can hold on to. It goes on even if we do not. You cry now, so what? Time will not stop just to mourn for you. It is something with no feelings at all.
Sa totoo lang hindi ko alam kung may relevance ba tong pinapasulat niya dahil because on the way I see it, isa tong short story. Kung short na nga ba na maituturing ang three pages.
I started writing on the board habang nasa left hand ko yung book. Sa tantya ko pa lang mukhang mapupuno ko tong dalawang board.
"Pagtapos niyong kumopya I want you all to write a reflection paper about the things you have learned from your former professor" she said na parang halos idura na yung mga salita. Naaalala ko na may sabi sabi nun na nag away sila ni Ma'am Ella kaya umalis dito. Hindi kaya yun ang totoo? Kasi sa tono niya ngayon parang may grudge siya kay Ma'am Ella.
Tahimik lang ang buong klase. All I hear is yung pag tap ni Ma'am Veluz ng mga daliri niya sa mesa at pag flip ng librong hawak niya. Paminsan minsan lumilingon ako kay Derick na thankfully kumokopya naman.
Nangangalahati na ako halos sa sinusulat ko nang magsalita si Ma'am Veluz
"Masyado namang maliit ata ang sulat mo, Ms. Dela Serna" pumameywang siya at tinignan yung board na halos puno na.
"Mr. Mendoza tumayo ka" sinenyasan niyang tumayo yung nakasalamin kong classmate na si Paulo na nasa pinaka likuran nakaupo. "Nababasa mo ba to?" she pointed the word 'slung'
Paulo narrowed his eyes habang inii steady yung salamin niya. Ito naman kasi ang labo na ng mga mata pero sa likuran pa umupo
"Sling?" ugh! Well anyway, isang letter lang naman ang mali
"See, Ms. Dela Serna? Sa sobrang liit ng sulat mo hindi na makita nung mga nasa likod"
Bumagsak yung balikat ko sa sinabi niya. Parang alam ko na ang pupuntahan nitong usapan na to lalo na nung kinuha niya yung board eraser at burahin yung mga sinulat ko.
YOU ARE READING
The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]
ChickLit[Book 2 of 3] Tears shed, sacrifices has been made, complications hindered. After the long story of chase and heart breaks, Derick and Erica managed to get their happy ending - nope, beginning. At inumpisahan nila ang relasyon that both changed them...
Chapter 10: Bad News
Start from the beginning
![The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]](https://img.wattpad.com/cover/29588353-64-k787933.jpg)