🐈🐀6

30.8K 420 46
                                    

CHAPTER 6

Rat Velaroza

Napairap ako nang makita kong humandusay si Headnurse Cat. Mabuti at carpeted ang floor ang clinic ko kundi ay kanina pa ito nabagok.

Tumayo ako at saktong bumukas ang pinto. Si Nurse Harmony iyon.

"Hala ka? Nurse Cat!" Kaagad nitong dinaluhan ang babae.

"Bakit hinimatay Dok?!" gulantang na bulalas niya.

Nagkibit balikat ako. "Malay ko, baka nahimatay sa kagwapuhan ko." Nag-whistle pa ako.

Kunot noong napatingin sa akin si Nurse Harmony. Puno ng pagdududa. "Weh? Dok?"

I sighed at ako na ang bumuhat kay Headnurse Cat at inihiga siya sa bed ng clinic ko.

"She just fainted, baka nahilo lang o napagod." Paliwanag ko.

Nag-check din siya ng vital signs nito.

"Yes Dok, normal lang po mga vitals niya. Mataas ang pulse rate niya baka dahil sa palpitation. Ginulat mo ba siya Dok?" tanong niya muli.

Nagkibit balikat ako. "Ewann...marami namang nahihimatay at napa-palpitate sa kagwapuhan ko 'di ba?" sagot ko at nag crossed-arms.

Umasim lalo ang ekspresyon ni Nurse Harmony.

"Makalabas na nga ako Dok, baka lumakas yata lalo ang bagyo rito sa clinic mo."

Lumabas na siya na clinic ko. Nagkibit balikat ako at napatingin kay Headnurse.

Unti-unti ay nagkakamalay na siya. Bigla siyang napabalikwas nang makita ako.

"Sabihin mo! Hindi totoo 'di ba? Nananaginip lang ako ng gising! Tulog ako! Oo! Baka nasa isa akong panaganip!"

Nahiga siya muli at pumikit.

Nakaface-palm lang akong nakatingin sa kanya. Kinuha ko sa pocket ng suit ko ang pregnancy test. Nang magmulat siya muli at ibinungad ko sa kanya iyon.

Bigla siyang tumili. "Haaa! Hindiiii"

I rolled my eyes. Napaka OA naman nito.

Bumaba siya sa kama at tila praning pa rin na naguguluhan.

Lahat naman yata ng babae ay praning. Pero pinakamalala yata itong si Headnurse Cat.

"Isa lang yan! Maaaring hindi 'yan accurate! Susubok pa ako ng iba!"

Inarkohan ko siya ng isang kilay. "Minamaliit mo ba ang ginawang pregnancy test ng Laboratory ng magulang ko? Ito lang ang nag-iisang may hundred percent accuracy na pregnancy test sa buong Pilipinas."

"Wala akong pake Dok! Basta! Mag-te-test ako ng sarili ko! Ibang brand! Bye!"

Bigla ay lumabas na siya. Ibinagsak pa ang pinto ng clinic ko. Napatingin ako sa uli sa pregnancy test na hawak ko. Humanda siya sa'kin kapag hindi siya bumalik bukas for prenatal check-up.

But at least I need to know now. Mahirap na baka ano pa maisipan niyang gawin. Praning pa naman. Hays.

***

Cat Villanueva

Hingal na hingal ako nang makabalik ako sa sarili kong station. Hindi pa rin ako makapaniwala. Tama nga naman, never ako naging irregular sa tanang buhay ko. Buong akala ko lang talaga ay lang stress ako.

Bwisit kasi ng Dok Peste!

Pagkatingin ko sa orasan ay saktong ilang minuto nalang ay out ko na kaya madali akong nagtungo sa locker room ko at kinuha ang bag ko. Nagtungo na ako sa time monitor finger scanner upang makapag time out na. On time na akong nag scan. Saka nagmadaling isinunot ang jacket ko. Malamig na kasi sa labas dahil ber months na.

The Doctor Series #3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon