Dalawang libo't
dalawamput-isa
Bagong taon ng
pagsisimula.Panibagong kabanata
ang muling maitatala
Panibagong
lungkot, saya at
pag-asa
ang muling maililimbag
sa librong ating
magagawa.Tatlong daan
animnapu't lima.
Mga buwan'g isang dosena.
hindi natin masasabi,
ngunit asahang
pagsubok
sa'ting lahat mangyayari.Panibagong kasinungalingan
ang muling maihahayag—
Sa mga labi'ng
may pakpak
sa hangin, mamayagpag!
Isang taludtod muli ng
lungkot
ang sa atin
magpapabaluktot.
Sa kainitan ng gabi'y,
malamig na hangin ang sa ati'y dadampi.Muli na namang mag-iisa,
sugat sa puso'y,
mata ang magluluha!
Hindi dugo ngunit sakit at pagkadismaya.Isandaan walumpu't tatlo,
Lamang na araw
kesa gabi sa mundo.
Totoong suliranin sa buhay
hindi na mababago
patawad ngunit
'yan ang totoo.
Subalit pakatandaang sa
bawat gabing ikaw ay
matutulog...
May isang Diyos,
ang
sa ati'y
magkukumot.***********
#selenopoem
Date made: Jan. 01,2021

BINABASA MO ANG
SelenoPoems | Book Of Poems #1[Completed]
PoetrySa bawat salitang nakatugma, May talinhagang nakatala. At sa bawat sulok na maliwanag, May dilim na di mo maaaninag. -A poetry collection since 2018-2021 My first poetry collection