Chapter 17

59.3K 691 43

CHAPTER 17

STEVE

"Kamusta ang panliligaw mo kay Crystal ha Steve?" Nae- excite na tanong ni Tita Dina sakin nung kausap ko sa telepono.

"Mukhang hindi naman ako gusto Tita." Sabi ko.

Ayoko lang sabihin na hindi talaga ako gusto ni Crystal dahil ayokong ma- disappoint si Tita Dina.

"Ikaw pa, kaya mo 'yan. I like her for you, pati nga parents niya gustung- gusto ka, kaya gamitin mo na 'yang karisma mo sa mga babae para sagutin ka na niya." Sabi ni Tita.

Gusto ko naman si Crystal pero ayokong magsayang ng oras sa babaeng ayaw naman sakin kung madami namang nagpapapansin sakin. Nahihiya lang siguro ako kay Tita Dina at sa mga magulang ni Crystal at siguro nacha- challenge na rin ako sa kanya dahil sa kauna- unahang pagkakataon, may nambasted sakin.

Nasa club kami ngayon ng kaibigan kong si Dan.

"Pare, kailan ka ba magse- seryoso sa babae ha?" Tanong ni Dan.

"Tss, yabang mo porke ikakasal ka na." Sabi ko.

"Eh ganun talaga, kaya bilang kaibigan mo, dapat natututo ka na sakin." Sabi niya.

Napapailing na lang ako na napapatawa sa kanya. Kung makapag- salita akala mo naman sobrang tino. Kung hindi nga lang siya nakatapat ng babaeng katulad ng pakakasalan niya eh.

"Ang sabihin mo, nauna ka lang makahanap ng katapat mo!" Sabi ko sa kanya.

"Siguro nga, pero hindi ka ba naiinggit sakin ha?" Sabi niya.

Gag* pala siya, bakit naman ako maiinggit sa kanya eh ang sarap ng buhay binata.

"Wala pa akong balak lumagay sa tahimik." Sabi ko na lang.

"Yeah pero kailangan mo pa ring hanapin 'yung babae na magbibigay sayo ng ideyang lumagay na sa tahimik." Sabi niya.

"Bakit mo ba ako igagaya sayo? Sa mga nakaka- relasyon ko, kahit kailan hindi namin napag- usapan ang kasal. Kaya easy ka lang. I think I'm not yet ready for that." Sabi ko.

Bago kasi ako pumasok sa isang relasyon, alam na nila kung hanggang saan lang kami.

"Hindi ka pa kasi nakakatapat." Sabi niya.

Napaisip ako.

"Meron na siguro." Sabi ko.

"Talaga? Bakit, hindi mo ba napahiga sa kama mo?" Sabi niya habang napapatawa.

"Gag*! Hindi." Sabi ko.

"Sorry naman," sabi niya ng nakangiti.

"Binasted ako." Sabi ko at humagalpak na ng tawa ang walanghiya. Napakamot na lang ako ng ulo.

"Iyan na nga 'yan pare! Huwag mo ng pakakawalan! Hahaha." Sabi niya habang tumatawa.

"Let's call it a challenge." Sabi ko na lang.

"Ipakilala mo naman samin ng fiancee ko Pare." Sabi niya.

"Ang hirap- hirap ngang ligawan, maipa- kilala ko pa kaya sa inyo." Sabi ko.

"Anak ng! Ikaw? Nahihirapan ka na ngayon? Pare, hindi 'yan ang pagkakakilala ko sayo. Sa tingin ko iyan na ang para sayo, kaya goodluck." Sabi niya.

Nagda- drive ako papunta sa kasal ni Dan at ng fiancee niya nang mapansin ang nakatigil na kotse at sa labas nito ay isang babae na nakasuot ng damit pang- abay. Mukhang kailangan ng tulong kaya itinabi ko ang kotse ko at bumaba ako.

"Miss," tawag ko sa babae.

Lumingon naman siya at nagliwanag ang mukha ng makitang may gustong tumulong sa kanya. Medyo madalang kasi ang pagdaan ng mga sasakyan sa lugar na ito.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!