CHAPTER 5
Cat Villanueva
Gusto kong sumigaw.
Gusto kong magwala.
At mas lalong gusto kong gawin ito ng pareho.
Baka napa-praning na ako.
Siguro nga? Nako! Paano ba naman ako hindi mapa-praning kasi isip na ako ng isip na kung paano kung magkasalubong kami ni Dok Peste dito sa HC. Pero balita ko naman ay sa ibang Hospital siya naka duty ngayon.
Actually, mga ilang linggo na nga. Kaso masyado akong advanced mag-isip baka mamaya o kinabukasan ay ibinalik na siya rito sa HC.
Hindi pa ako nakakapag-ready ng kuda at mga bars ko para sa kanya.
Pero sino ba kasi ang mag-aakala na kahit nasa forties na si Dok Peste ay...masarap pa rin. Shemay! Laswa mo Cat! Kilabutan ka nga!
Hindi ko nga maiwasan ma-cringed habang naglalakad ako sa hallway kung saan ako naka duty bilang Headnurse.
Infairness, hindi ko akalain na ang hirap pala ng posisyon ko. Kasi hawak ko na ang lahat ng Nurses sa bawat unit. Kung ano'ng oras ang duty nila at kung saan sila ilalagay na ward maging sa Doctor na i-assist nila ay hawak ko na rin ngayon. Nakakapanibago kasi overloaded na nga ako noong hindi pa ako Headnurse. Aba, mas lumala.
Pero ang sahod? The best!
Isa ang HC sa pinakamaayos na magpasahod na Hospital dito sa Pilipinas. Iyong sahod na deserve ng pagod mo sa buong duty mo. Kung akong Headnurse pa lang ay napakataas na ng sahod paano pa kaya ang mga Doctors ng HC?
Bumalik ako sa Headnurse station ko. Mas nasa opisina ako at mino-monitor ang mga Nurses kung nagagawa ba nila ang pagra-rounds nila ng maayos. Pumapalit lang ako kapag nagbe-break time ang mga nurses. Kahit na ganito na ang ginagawa kong trabaho ay nakaka-miss pala ang maging regular na Nurse.
Nakakamiss 'yong hindi ka magkaudagaga sa mga gagawin o sa mga pasyente lalo na kung sa OPD at Emergency ward ka na-assigned. Pinakapaborito ko ang Nursery ward at Pedia ward dahil puro babies and kids ang nandoon. Sa ngayon ay nagmo-monitor nalang ako sa CCTV dito sa opisina.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon.
"Head nurse Cat?"
Si Nurse Harmony iyon.
"Yes? Come in lang, Dear."
Nakakatuwa na sobrangf humble niya kahit na anak siya ng may-ari nitong Hospital kaya medyo nakaka-intimidate rin. Pero isa siya sa top Nurse dito hindi dahil sa anak siya kundi dahil talaga sa performances niya sa kanyang sinumpaang tungkulin.
"Pa-fill up daw po."
May ibinigay siyang sheet.
Kinuha ko naman iyon at napakunot noo.
"Reproductive Health survey? Why?" tanong ko.
Nagkibit balikat siya. "Hindi ko po alam kay Dok, inutos lang po sa akin."
Tumango-tango lang ako at kumuha ng ballpen at sinagutan iyon.
Napahinto ako sa bandang tanong sa survey sheet patungkol sa kung kailan ako nagka period at kung nagkaroon na ba ako this month.
Napaisip ako. Regular akong nagkakaroon. Pero bakit limang araw na yata akong delay? Hinihintay ko nga na dumating pero wala pa rin talaga. Naiiling na lamang ako na sinagutan ang lahat dahil naghihintay lang si Nurse Harmony. Nakakahiya naman kung tatayo siya ng matagal.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series #3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...