Freshie High School

15 0 0

        Bago ko simulan ang aking kwento, bibigyan ko muna kayo ng kaunting paglalarawan sa kung sino at kung saan ako nanggaling. Mula Maynila, napadpad kami ng aking pamilya sa lalawigan ng La Union dahil sa naibigay na trabaho para sa aking tatay. Nasa dalawang taon pa lamang ako noon kaya walang masyadong maalala. Sa isang bayan doon na ko lumaki at paunti unting nahulma ang pag-iisip at pagkatao. Iloco ang pangunahing wika dito. Sa labas ng bahay, sa paaralan, at kahit sa simpleng pagbili lang, nahihirapan akong maintindihan sila dahil mas nakasanayan ko ang Tagalog kaysa sa Iloco. Ngunit sa aking paglaki, nakasanayan ko na rin ito at paunti-unting naintidihan. Ako nga pala si Kiko, dise otso anyos na at kasalukuyang nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas. Narito ako para magbahagi ng isa sa pinaka-hindi ko makakalimutang karanasan noong High School. At ito ay tungkol sa buhay pag-ibig ko, nakakahiya man pero GAME!!!

        First Year High School. Simula na naman ng pasukan at ito ang unang araw ko sa pagiging isang high school student. Ewan ko ba pero late na naman ako sa pagpasok. Nakakahiya dahil kauna-unahang araw pa naman. Nagsisimula na noon ang Flag Ceremony at dali-dali akong tumakbo matapos bumaba ng bus. Kinakabahan pero nawala rin yun dahil sa may mas huli pa pala sa akin, hehe. May mga pamilyar akong mukhang, sila ang mga kaibigan ko nung elementarya. Lilima lang kaming tumuloy sa paaralang iyon (Ako, si Rick, si Den, si Kat, at si Emma) kaya hinihiling ko noon na sana iisang seksyon lang kami. Natapos na ang Flag Ceremony at sinabi na sa amin na nakapaskil na sa mga classroom ang mga pangalan at seksyon ng bawat isa. Nalungkot ako nung una dahil sina Emma, Kat, at Rick ay di ko kaklase. Sila kasi yung mga kaibigan ko na mas katropa ko kaysa kay Den.

      Wala pang guro noon kaya kaming apat, ako at silang tatlo mula sa ibang sekyon (nasa kabilang room lang), ay nagsama-sama muna para magkwentuhan.

Kiko: Sana nasa kabilang seksyon na lang din ako para kasama ko kayo.

Rick: Ayos lang yan... Make friends daw hahaha!!!

Kiko: Pano ba kasi tayo na-assign?

Kat: ‘Wag mo na isipin, sabay-sabay na lang kumain mamaya

 At ganon nga ang ginawa namin sa mga sumunod na araw. “Nandiyan na mga teacher naten, tara na,” sabi ni Emma.

          Makalipas ang isang linggo, ganoon pa ren ang set-up naming apat. Sa isang normal na pag-uusap, sa labas lang ng mga classrooms namin, binulong sakin ni Rick na may nagkakacrush daw sakin. Ako naman sa isip ko parang ”Huh?? Seryoso ba yan? E ang pangit pangit ko.” Itinuro nya sakin yung babae at nung lumingon nawala ang “sense of time ko”. Parang wala akong makitang ibang tao, siya lang. Love at first sight na nga ata iyon kung tawagin. Nakatingin din sya sakin, kinakabahan ako. Ambilis ng tibok ng puso ko pero nakatingin pa rin ako sa kaniya. Nung inalisan nya na ko ng tingin tsaka ko lang narinig si Rick na kanina pa pala ako kinakausap.

Rick: Uy!!! Kanina pa kita kausap nakanganga ka na nga eh  AHHAHA!!

Kiko: Luku loko HAHAH!!

Rick: Roni pangalan non

Kiko: Ahhh, may number ka ba niya?

Rick: Eto oh... Naks naman lumalove-life

Kiko: Shhh... Ganon talaga hehe

        At dahil nga don, mas nakilala ko si Roni. Si Roni ay simpleng babae lang mas maliit sa akin ng kaunti, medyo singkit, at balingkinitan ang katawan. Nilakasan ko ang loob ko para i-text sya. Di naman ako nabigo dahil nag-reply naman siya. Tuwang-tuwa ako dahil don. Sinabihan pa nga ko ng aking nanay na para daw akong baliw dahil nakangiti mag-isa. Hindi ko yun namalayan na nakangisi na pala ko habang nagtetext.

        At nang tumagal pa ang pagtetext namin, inamin ko sa kaniya na may gusto ako sa kaniya. Di ako mapakali sa paghihintay ng reply nya. Tingin ako ng tingin sa cellphone ko non para sa i-rereply nya at tumunog na nga ang cellphone ko. Dali dali kong tinignan ang message at nadismaya ako kasi GM (Group Message) pala yun. Nakita ko ulit yung “1 new message” at ng buksan ko siya nga at nakalagay sa message, “May gusto rin ako sa ‘yo =).” Sobrang saya ko talaga ng araw na iyon. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko at excited na ko na magkaroon na ulit ng pasok.

        Lunes noon Flag Ceremony, nakita ko siya. Lalapitan ko na sana siya kaso ayaw gumalaw ng paa ko. Nauutal ako, nahihiya at hindi na alam ang gagawin. Ibang iba ako sa text parang hindi ako ‘to. Kaya ang nagawa ko na lang sabihan siya ng “Hello” sabay ngiti. Bakit ganon ang nararamdaman ko kinakabahan ako at di ko siya malapitan. Naikwento ko ito kay Rick at binansagan pa nga kong “Silent Killer” ng loko. Pero masasabi ko sa sarili ko na isa pala ako sa mga tinatawag nilang TORPE. Nasasayangan ako sa mga panahong pwede ko siyang lapitan at kausapin pero pinangungunahan ako ng pagkatorpe ko kaya natapos ang unang taon ko sa High School sa ganong set-up.

Oops!!! NatotorpeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!