We ended up staying in our old house and when I say Old house I am referring to our own house. As in Sophia and Alex's Home Sweet Home.

"Gusto mo?" Inaalok niya ako ng popcorn na kinakain niya. Kahit yata pagkain ng popcorn nakakapagpagwapo sakanya.

"no thanks.." tanggi ko, tumayo naman si Alex sa pagkakaupo at pumunta ng kusina kumuha rin siya ng kahit na anong makakain pero wala siyang nakita. Isang box lang ng chocolate bar.

Sa dalawang taon ba namang nakalipas na walang nakatira sa bahay na to, may pagkain pa kayang nakaimbak sa refrigerator?sigurado wala na. Nataon pang nagbakasyon ang caretaker dito dahil sa nagkasakit ang anak niya.

"buti na sayo pa ang susi ng bahay.."sabi ni Alex, sabay kain na naman ng popcorn niya.

"aba't nagsalita ang may walang susi ng bahay?!"kunot noong sabi ko rin. Habang papauwi kasi kami ay napansin kong nakakabit sa car key ni Alex ang susi ng dating bahay namin.

"baka kasi kailanganin ko." Depensa niya, talaga lang ha?.."may mga damit pa ba akong naiwan dito?"

"aba malay ko!hindi ko naman pinapakialaman ang mga damit mo simula nung naghiwala—I mean sa simulat sapul pa.." sagot ko.

" You are still the same Sophia..wala ka paring pakialam sa mga bagay na nakapaligid sayo. Sige akyat na muna ako, maliligo lang ako.pagkatapos, ihahatid na kita sa bahay niyo.." pinatay niya ang tv pagkatapos ay pumanhik na at pumasok sa kwarto niya para maligo.

Halos ibalibag ko naman ang unan na hawak hawak ko ngayon. " Wrong move Sophia! Hindi ko dapat sinabi yun." bulong ko sa sarili bago tuluyang pinagsusuntok yung unan.
" Ayan tuloy!" kinagat ko nalang ang chocolate bar..pagkatapos ay nagtabon ng unan sa mukha at pigil na nagsisisigaw.

" Asar! " bumangon ako at dahan dahang tinanggal ang unan sa mukha ko, muntikan pa akong mahulog sa sofa nung nakita ko si Alex na nakatayo sa harapan ko. Nawindang ako at lalong napalunok nung nakita kong nakatuwalya pa siya at topless pa. Buti nalang hindi bumaba ng bumaba ang tingin ko papunta sa ano niya!

"Anak ka naman ng nanay mo Alex!bakit ka nandito?!!!akala ko ba maliligo ka na?!" tarantang sabi ko.

"Maliligo na nga, I just thought you need help." sagot niya pagkatapos ay napatingin na naman ako sa katawan niya.

"Umalis ka na nga! ang sakit niyan sa mata!"sabay turo ko sa katawan niya tapos ay dali dali kong tinabunan ang mga mata ko gamit ang unan, Ayoko mang aminin sa sarili pero sobrang nakakainit ng katawang lupa naman talaga yung nakita. Tumatagaktak pa yung pawis niya at nakabalandra lang naman ang abs niya. Hindi ko na binilang dahil baka isipin niyang pinagpapantasyahan ko siya kahit na totoo naman!

"Okay." tipid niyang sagot bago bumalik sa kwarto.

Tinanggal ko narin yung tabon sa mata ko pagkatapos ay bumitaw ako ng isang malalim na buntong hininga, Hindi ko pa maiwasang mapakagat ng labi.

"Shit! I saw that! Haha! I saw that. OMG!" halos mabaliw na ako sa kakaisip sa katawan niya. Ang manyak ng dating pero wala akong pakialam. Party! Party! tumalon talon pa ako sa sofa Sa sobrang saya. " He was so damn hot!" I squealed.

Pagkatapos kong magpakamanyak kay Alex ay itinali ko ang buhok ko at napaisip bigla ng kalokohan.

"wala naman sigurong masama kung maninilip ako diba?" Hindi naman ako magpapahulo at tsaka isa pa once in a lifetime lang naman ito. Promise! Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa kaya Dahan dahan akong lumapit sa kwarto ni Alex at talagang maingat kong binuksan ang kwaryo niya. Kaagad na sumalubong sa akin ang ingay ng umaagos na tubig kaya naman hindi ko maiwasang maexcite. Ang manyak ko yata? Lumapit ako ng lumapit sa CR.

"maghunos dili ka sophie! tutuloy ka ba o hindi?"nag-aalinlangan pang sabi ko pero sadyang hindi na ako mapipigilan kaya sumalubong na kaagad sa akin ang design ng kwarto ni Alex. Eto ang unang beses na papasok ako dito dahil kailanman hindi ako naglakas ng loob na pumasok dito. Ngayon palang, lalo na kapag desperada na ako. So his room is a fully white painted room although may accent ng black sa mga furnitures na gamit pero teka! Hindi ito ang ipinunta ko dito.

NASAAN BA ANG CR?

tuwang tuwa ako nung maaninag ko na ang CR. This is it!

"chill Sophia!minsan kailangan mo ring maging curious sa mga bagay bagay!TAMA!"bulong ko sa sarili..

Lumapit ako lalo sa sa CR para mas lalong makapangboso at doon ko lang narealize na medyo see trough ang ito. Natatabunan lang ng water fog ang glass na nakapalibot dito kaya naman mas lalo akong hindi makalunok sa nakikita ko. Shit! He was really naked!

🎶 Hallelujah 🎶

kaagad na dumapo ang tingin ko sa baba. Hihimatayin na yata ako.

"Lord, hindi naman po ako MANYAK--" halos mapamura ako nung biglang bumukas ang CR.
"AI MANYAK!" sigaw ko. Shit! Shit! Nakalimutan kong advance technology ang ginamit namin sa bahay na kapag may nasesense lang na presensiya mula sa isang tao ay nagbubukas kaagad ito.

Dahil dun...

mas lalo akong nagulat dahil muntikan ko ng makita ang lahat. Agad kong tinakpan ang mata ko. Mas mabilis pa sa alas kwatrong hinila ako ni Alex papunta sakanya  pero sa halip na paharap ay patalikod sakanya sabay kuha ng tuwalya at dali daling isinuot gamit ang kanang kamay habang ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa likod ko.

Sa lakas din ng agos ng tubig ay nababasa narin ako nito.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, dahil halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Hiya, dahil sa nahuli niya akong namboboso, Saya, dahil sa wakas ay mukhang magkakasabay kaming maligo.

"what do you think are you doing?" tanong niya sa akin. Pumikit na lamang ako sa sobrang kahihiyan.
lalo nat ang awkward ng posisyon namin.Haharap pa sana ako pero pinigilan niya ako..

"Do not turn around." utos niya.

"I didn't mean to---"

natigilana ko nung maramdaman ko ang telang namamagitan sa aming dalawa. Ramdam ko rin ang mainit na hininga ni Alex at above all his hardness.

"tell me.."saad niya. "anong ginagawa mo sa kwarto ko?"

"A-alex.."mahinang sagot ko. mag-iisip pa sana ako ng palusot nung biglang nagring ang cellphone ni Alex. Nadismaya ako nung kaagad niya akong binitawan at lumabas sa CR para sagutin ito.

Agad naman natauhan si alex..

"Yes hon, dont worry I'll be there in an hour." Hindi na ako nagsalita dahil alam kong si Saira ang nasa kabilang linya. "Okay, I love you too." saad niya bago ibaba ang tawag. Nagtago ako sa may gilid para hindi niya mapansin ang biglaang pag iba nb expression ko. Mula sa malayo ay nakita kong hinimas niya ang sentido niya pagkatapos ay ginulo ang buhok niya.

" And now, it's Code 24! Dammit!" bulyaw niya sa sarili niya.

SEDUCING MY EX-HUSBAND OPERATION ( to be published )Mga Kuwentong Mamahalin Mo