Chapter 16

60K 959 14

CHAPTER 16

CRYSTAL

Niyaya ako ni Karren na pumunta sa isang coffee shop. Ikinuwento niya sakin 'yung mga ikinuwento na ni James sakin kagabi. Pero syempre kunwari 'di ko pa alam.

"Grabe nakakahiya talaga! Babae pala 'yung Mk!" Sabi pa niya.

"Bakit 'di mo binanggit sakin na may iniisip ka palang ganun sa kanila ni Mark?" Sabi ko.

"Biglaan kasi. Kahit ako nabigla sa naisip ko, 'yun pala hindi totoo." Sabi niya.

"Sobra ka lang siguro mag- isip Karren." Sabi ko.

"Kasi naman nahahawa na 'yung isip ko sa baliw kong puso." Sabi niya.

Eto na naman kami sa usapang puso. Kailangan na niyang itigil ang nararamdaman niya para kay James.

"Huwag ka na kasing umasa Karren. Masasaktan ka lang sa ginagawa mo." Sabi ko.

Tama ba 'tong sinasabi ko? Paano ko ba sasabihing itigil na nga kasi niya ang pag- asa kay James?

"Malay mo pumayag na lang siyang pakasalan ako kapag talagang wala na siyang choice, eh di bongga!" Sabi niya.

"Mahirap pumasok sa isang relasyong ikaw lang ang nagmamahal." Sabi ko.

"Matututunan din niya akong mahalin." Sabi niya.

"Isipin mo na lang si Mark, hindi ko siya matutunang mahalin kahit siya na 'yung tipo ng lalaki na hinahanap ng isang babae." Sabi ko.

"Crystal, iba kami ni James. Hindi pa naman niya alam na gusto ko siya, malay mo kapag nalaman niya eh magustuhan na rin niya ako." Sabi niya.

"So sasabihin mo na sa kanya?" Tanong ko.

"Mmm, siguro kailangan ko munang magpapansin sa kanya. Kapag na- feel ko ng gusto na niya ako at hindi pa siya nagtatapat, saka ako magku- kusang magtapat para malaman ko na mismo sa kanya ang tunay niyang nararamdaman para sakin." Nakangiti niyang sabi.

Hay, lalo ng naging magulo ang lahat.

Paano ko ba siya pipigilan sa nararamdaman niya para kay James? Sabihin ko na kaya sa kanya ang totoo? Pumayag kaya si James na sabihin ko na kay Karren ang totoo? Huhu naguguluhan na ako. Alam kong hindi niya agad ako mapapatawad or kung mapapatawad pa.

Nasa condo unit ako ngayon ni James. Nakaupo ako sa sofa at nakahiga siya habang ang ulo niya ay nasa hita ko. Nanonood kami ng tv.

"Mahal ko," sabi ko sa kanya.

"Mm,"sabi niya.

"Sabihin na kaya natin kay Karren?" Sabi ko.

"Alin?" Tanong niya.

Alam kong alam naman niya ang tinutukoy ko.

"Ang tungkol sa relasyon natin?" Sabi ko.

"Bakit?" Sabi niya.

"Ah kasi di ba kaibigan naman natin siya." Sabi ko na lang.

"May magbabago ba kapag sinabi natin sa kanya?" Sabi niya.

Oo para hindi na siya umasa. Gusto kong isagot pero hindi ko masabi ang sikreto ni Karren na pagtingin sa kanya. Naduduwag na naman ako.

"Naisip ko lang kasi, pinagkakatiwalaan niya tayo. Nahihiya na ako sa kanya sa pagtatago natin." Sabi ko na lang pero totoo din naman.

Sobrang nako- konsensiya na ako sa ginagawa ko. Ganito na ba talaga ako kasama? Simula ng minahal ko si James, pakiramdam ko palagi na akong nakakasakit.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!