Kabanata 34

53 12 0
                                    

Kabanata 34

Judge

"Lola..." I called her name the moment I get back to my senses. Pabulong at halos tunog hindi maintindihan ang lahat.

She sighed.

"Alam ko namang may gusto ka sa Cavallerong 'yon kahit na sinasabi mong wala." She paused for a moment before speaking again. "At alam ko din kong kanina kapa andiyan sa labas at nakikinig sa amin."

I parted my lips.

W-what?

"Kaya lahat ng narinig mo kanina mula sa akin... May dahilan kung bakit sinabi ko lahat 'yon."

I remained silent as I'm waiting for her explanation more. Nanliit ang mata niya habang nakatingin siya sa akin.

"Siguro'y nagtataka ka kung bakit ganito na lamang ang reaksyon ko gayung alam kong may nararamdamn ka sa Cavallerong 'yon... at may posibilidad ding may nararamdaman siya sa 'yo."

I swallowed hard. Hindi ako nakapagsalita habang pinagmamasdan ko ang matanda.

She sighed when she realized that I'm not saying anything. Dahil doon pa lang, alam na niya ang sagot ko.

"Sa totoo lang ay nagalit ako dahil 'yon naman talaga ang dapat kong maramdaman... Pero wala naman akong magagawa kung magwala man ako o ano man. Kahit siguro sigawan kita o magwala ako ngayon, hindi mawawala ang nararamdaman niyo sa isa't-isa, 'di ba?"

I looked away.

I felt embarrassed at the thought that I lied to her. I lied to her and she knew it.

"Sorry, la," I whispered, hindi makatingin sa kanya.

"Bakit ka nag-sosorry?" She asks in a serious way.

Hindi ako nakasagot. Because I don't know the answer either. Marahil nagsorry ako dahil nagsinungaling ako o dahil nagkagusto ako sa isang Cavallero. Or maybe both.

Sa nanginginig na labi. Nagawa ko siyang sagutin. "Sorry po, dahil minahal ko siya."

I wiped the tears that suddenly come out of my eyes.

She took a deep breath. "H'wag kang humingi ng tawad dahil nagmahal ka." She smiled. "Hindi kasalanan ang pag-mamahal, ang kasalanan ay kapag mali ang paraan ng pagmamahal mo sa isang tao."

I nodded, slightly understanding what she meant by that.

"Wala akong magagawa kung mahal mo siya... kahit na pa may galit ako sa pamilya niya. Hindi ko hawak ang puso mo, apo, at ayaw din kitang masaktan kaya... mahalin mo siya kung 'yon ang magpapasaya sa 'yo." Nag-iwas siya ng tingin. "At ayaw ko din naman na maging dahilan ako ng kalungkutan mo." Aniya.

I was about to say something pero naunahan niya ako.

"Isa pa'y naisip ko din naman na... walang dahilan para magalit ako kung may nararamdaman ka sa kanya. Nakikita kong... mabait na tao naman ang apo ni Paciano tulad ng sinasabi ng mga kakilala ko, ang pamilya lang talaga niya ang problema." Ngumiwi siya.

I can't believe I'm hearing these words from my Grandmother. I then thought that when she realizes the truth, she will hate me and she will not forgive me for interacting and for having deep feelings for Genesis Cavallero, pero iba ang pinapakita niya ngayon sa naiisip ko dati.

Every Ending (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon