Nasapo ko ang noo ko gamit ang kanang kamay ko. Damn! I didn't remember anything.

Huminga ako ng malalim at sinulyapan sila na hinihintay ang sagot ko.

"Hindi ko po alam," nanlaki ang mga mata ng dalawa at napatakip pa ng bibig ang matandang babae. "Wala po akong maalala," dugtong ko pa.

Nagkatingin ang mga ito, "ito rin ang sinabi ng manggagamot, may posibilidad na mawala ang memorya niya. Sandali lamang!" wika ng matandang babae at mabilis na humakbang patungo sa sirang kabinet sa tabi ko at binuksan ito.

May kinuha itong sirang i.d. at isang tansong relo.

"Sira na ito noong natagpuan kita at ito lamang ang pagkakakilanlan mo na pwedeng makatulong sa iyo at Rad lamang ang nababasa ko sa pangalan mo," anito at inabot sa akin ang sirang i.d.

Kumunot ang noo ko, putol ito sa gitna at tama nga Rad nalamang ang mababasa mo sa pangalan ko, halos hindi makita ng mabuti ang letrato. Wala ng ibang impormasyon dahil hindi pantay ang pagkakaputol nito at naiwan pa ang maliit na parte.

Rad...

It didn't ring a bell, naningkit ang mga mata ko at inaalala ngunit wala akong matandaan.

"Ito, ito ang suot mong relo noong natagpuan kita. Ang suot mo noong araw na iyon ay halos sira na at marumi. Wala rin akong nakitang ibang bagay dahil nabasa na ng mga tubig at nalusaw. Wala ka ba talagang matandaan?"

Napahawak ako sa aking noo gamit ang kanang kamay ko dahil naramdaman ko ang pagkirot sa aking ulo.

"Betty, hayaan na muna natin siyang magpahinga at wag pilitin. Baka makasama pa ito sa kanya," komento ng matandang lalake na punong puno ng pagaalala ang tono nito.

Huminga ako ng malalim at napaawang ng maramdaman ang pagkalam ng aking sikmura.

"Maghanda kanang makakain, at siya'y nagugutom!" utos pa nito na madali namang tumalikod ito at lumabas. "Pansamantala, tawagin mo muna akong Tay Densyo at siya naman si Nay Betty mo, asawa ko."

Marahan kong ibinaba ang aking kamay at tumingin kay Tay Densyo. Matanda na ito, at halata na ito sa mukha niya.

"Kaya mo na bang tumayo?" kuryosong tanong nito. "Ipapahatid ko na lamang dito ang iyong pagkain."

For the past months, sakanila ako tumira. Still no traced of hint of who I was. I never bothered to look for an answer. All I know, I stayed here in Bohol.

"Rad, marami ka bang nakuhang isda ngayon?" tanong sa akin ni Carling, kasama ko sa pangingisda sa tansiya ko ay hindi nalalayo ang edad namin sa isa't isa.

Sabay naming binebenta sa palengke ang mga isdang nahuli o kaya naman ay binibili sa amin at sila ang nagbebenta.

"Oo! Sagana ang huli ngayon," ngisi ko sa kanya at nilapag ang dalawang timba na punong puno ng mga isdang aking nahuli.

"Naku! Napakaswerte ni Tiya Betty! Maraming pera nanaman ito. Ikaw Rad, talaga bang pamangkin ka ni Mang Densyo?" hindi ko napansin na nakalapit na pala rito si Rosas ang madalas na pumapakyaw sa paninda ko at ibenebenta sa mahal na halaga.

"Oo," tipid na sagot ko kay Rosas.

Madalas nitong tinatanong sa akin, ang alam ng lahat ay ako ang anak ng kapatid ni Tay Densyo na nakatira sa kabilang bayan.

"Naku Rose! Ilang beses mo ng tinanong 'yan kay Rad!" natatawang komento ni Carling na nasa tabi ko.

"Ano ba Carling! Rosas ang pangalan ko at hindi Rose," kunot noong wika nito, natawa ako at nailing.

Crashed On YouWhere stories live. Discover now