Not everyone in this world can appreciate what they have, not everyone in this world wants what they have, not everyone in this world need what they have and not everyone in this world can see what others only can see. Nanliit ang mata ni Siri ng makaaninag na siya ng isang bulto, bulto ng isang babae. It's a nurse. At nakasilip ito sa loob ng classroom nila. "I need your help, please help me." Napaigtad si Siri ng marinig niya ang isang boses, boses na nanghihina at malamyos sa kanyang isip. Nagtama ang mata nilang dalawa ng babaeng nurse, tila ba ginagamit ang kanyang isip upang ipahiwatig ang gusto nitong sabihin sakanya. "No, I can't.." mahinang bulong ni Siri na siguradong siya lang ang makakarinig at inalis na ang paningin duon, bumaling sa kanyang mga kaibigan na may pilit na ngiti sa labi. "I should not let myself enter their world, no. I don't..I can't."