Sino ba si Silent Sakura?  At bakit Silent Sakura ang pen name niya?

Hmmm. Ang hirap sagutin, madami kasing kahulugan ito sa akin.

Una, dahil inspirasyon ko ang Silent Sanctuary na isang pinoy band, gusto ko yung initials nila na SS (SS Crew! LABITTT!) kaya nag-isip ako ng salita na SS yung initials at babagay sa pagkatao ko.

Ikalawa, kung bakit Sakura dahil mahilig ako sa Cherry Blossoms na ang Japanese name ay “Sakura - さくら, サクラ” kaya dun ko ito nakuha. Pangarap kong makakita ng tunay na Sakura balang araw. Gusto ko rin yung fictional character na si “Sakura Haruno” sa Naruto Series na anime manga, at hindi lang yon gusto ko rin si “Hinata Hyuga” at ang kapangyarihan niyang “Byakugan”. (Chos!)

Pangatlo, kung bakit Silent dahil isa akong napakatahimik na tao, kung hindi ako unang kakausapin hindi talaga ako magsasalita. Madaldal lang ako sa chat pero sa tunay na buhay sobrang tahimik ko. Isa akong introvert na tao pero malawak ang imahinasyon ko at dahil hindi ako expressive na tao, lahat ng emosyon ko ay dinadaan ko sa pagsusulat. Pagsusulat ang naging takbuhan ko sa lahat ng oras at dito malaya akong naipapahiwatig ang damdamin ko. Bilang isang tahimik na tao mahirap sa akin ang makipagsocialan sa iba.

Binuo ko ang Silent Sakura basis na rin sa aking pagkatao, isang babae na mahilig magsulat at gustong makainspire sa iba. Isang tahimik na probinsyanang babae na mahilig sa Sakura at higit sa lahat ang gusto ko lamang ay maiparating sa iba ang pagmamahal ng Diyos. Spread God’s Love is my ultimate goal.

Ako si Silent Sakura ang babaeng hindi maganda. (BWAHAHAHA XD!)
  • Philippines
  • JoinedDecember 7, 2014



Last Message
silent_sakura silent_sakura Feb 19, 2015 08:57AM
life is beautiful :)
View all Conversations

Stories by silent_sakura (침묵 사쿠라, サイレント桜)