Magmula nang iwan si Shantal Ivonne Ramirez-25year old at isang aspiring writer ng lalakeng kaniyang unang minahal, minabuti ng dalaga na ituon na lamang ang kaniyang atensiyon sa ibang bagay upang makalimot sa sakit na dulot ng dating kasintahan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon-makalipas ang pitong taon ay muling pagtatagpuin ang dalawang pusong minsan nang tumibok para sa isa't isa. Bilang isang manunulat, magawa kaya ng dalaga na muling isulat ang pag iibigan nila ng binatang si Stephen Rome Asoncion-30year old at isa na ngayong aktor.
5 parts