HE'S INTO HER Season 1 |PUBLISHED| Now Available in Bookstores ♥

Masaya at madali lamang ang buhay para sa isang Deib Lohr Enrile, na hinahangaan ng napakaraming babae dahil sa itsura niya at bukod doon ay wala na. Halos ang lahat ay nasa kaniya na, mapagmahal na pamilya, maunawain at maasahan na mga kaibigan, talento, talino, magandang itsura, pera, kasikatan, magagarang gamit, kayabangan, kaaway at ugaling medyo may kasamaan. Mahilig siyang mangbully para lang mapasaya ang sarili. Kilala bilang Campus Enemy Number One dahil sa angking talento sa pang-aasar sa mga baguhang estudyante na papasok sa paaralang pag-aari rin naman ng kanilang pamilya. Sikat siya sa mga babae pero hindi dahil crush siya ng mga ito, kundi dahil takot silang mapag-TRIP-an. Para sa kaniya ay mabait pa rin naman siya, huwag mo lamang siyang aasarin. Sa kagustuhang sagotin ng babaeng dalawang taon na niyang nililigawan ay nangako siya sa sariling magbabago at titigilan ang pagiging BULLY. Ganoon siya kadesididong maging nobya si Kimeniah, ang babaeng pinapangarap niya. Maganda, mabait, matalino at mayaman. Kung hindi lamang maliit ito ay mukha na siyang perpekto. Ngunit sa pagpasok ng huling taon niya bilang High School student ay nagawa niyang sirain ang sariling salita. Nakilala niya ang kauna-unahang tao na naglakas-loob na patulan ang mga kalokohan niya. Ang taong kamumuhian niya ng higit pa sa inaakala niya. Ang taong nagawang baguhin ang mga pananaw niya sa buhay ng dahil lang sa hindi makatwiran nitong prinsipyo. Siya ba ang gumulo ng buhay nito? O ito ang gugulo sa buhay niya? Isang tao na kamumuhian niya ngunit may pagkatao na hindi niya mahulaan. Ang babae na makapagpapatunay sa kaniya na hindi lahat ng taong gusto mo ay mahal mo.
Start Reading

Recent Comments

Masama ang ugali ng Authoor ohh! XD Sisimulan kona to! hanggang sa matapos ko tlga.Buti nlng at d pa inaalis ni Author Hihi,Loveu:* XD
kapag natapos to sigurado MOVIE kalalabasan neto !!!
angas ng story pati ako nahahawa na !
I have been reading my daughter`s wattpad books and I enjoyed reading ur book. good job! keep it up!! :-)
ano pa nga ba? mag sstart na naman ako magbasa mula sa umpisa. MAHAL NA MAHAL KO TALAGA ITO PATI ANG AUTHOR! 
#HIHFever
sana i movie ito at walang irevise na scene bahala na an tagal ma tapos
pero pwede bang i teleserye nalang??? total an taas naman ng story eh!!!!!!!!!
Dahil ang tagal ng update nung season 3 no choice ako kung di basahin ulit to haha. Di nakakasawa ♥


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

maxinejiji

maxinejiji

Name maxinejiji
Location SEOUL
Member Since Jun 15, 2012
Votes Received 201,950

Media