Madalas nagtatanong ang bawat isa sa atin, bakit nga ba mayaman ang ibang tao at ako ay mahirap pa rin? Ano bang meron sila na wala ako? Habang panahon na lang ba akong mananatiling mahirap? Akala kasi natin ay materyal na bagay lang ang kailangan upang maiangat ang kalagayan natin sa buhay. Hindi natin alam na higit pa roon may iba pang bagay na dapat tayong isaalang alang. Basahin ang aklat na eto upang malaman ang mga pamamaraan upang mabigyan kayo ng gabay upang yumaman. Halina't sama-sama nating basahin at tuklasin ang mga bagay na makakatulong upang ma-iangat ang kalagayan mo sa buhay. Tandaan mo, ikaw at ako ay puwede at may karapatang yumaman.