Sino diyan ang nainlove na? Itaas ang kanang kamay! Sino diyan ang nafriendzone? Itaas ang kaliwang kamay! Eh, sino naman kaya diyan ang patuloy na umaasang parang engot kakahintay sa taong gustong gusto nila... Eh parang iba naman ang kanilang gusto? Itaas ang mga paa! Paano naman kasi... Ang lagi nating pinipilit ay sila na talaga ang para sa atin. Sure ka ba? Wala na bang magpapabago sa isipan mo? Iniisip din kasi natin na wala nang mas lalamang pa sa lalaking nagpapatibok ng puso natin. Kung baga parang siya na yung 'Da One' ika nga nila. Halika't basahin natin ang iba't ibang kwento ng Sawing pagibig! Dedikado talaga ito sa mga Sawing katulad ko na ipinagpipilitan ang isang tao lamang ang magbibigay saya at pagmamahal sa akin.
4 parts