Ang gusto lang naman ni russel ay makapag pahinga. Pahinga mula sa mga problemang ilang taon na nyang pinapasan. Paano nga ba nya malalagpasan ang bangungot ng nakaraan.Mapait,mahirap at walang hanggang hinanakit na kahit sariling magulang ay hindi sya kayang tulungan dahil sya mismo ang nagkukulong sa sarili sa nakaraan. Bakit naman sa isang di pa nya lubos na kilalang tao sya nakahugot ng lakas ng loob para muling umahon sa kinasadlakan. Bumilib sya sa tibay ng loob ng babaeng ito sa kabila ng masasakit na bagay na pinag daanan. Hindi kalaunan ay hinangaan nya ito sa kadahilanang marami itong kayang gawin at habang lumilipas ang panahon na kasama nya ito ay lalong nahuhulog ang loob nya para sa babae. Handa ba syang tanggapin ang nakaraan nito.