Chapter 6: Silent Night

2.1K 34 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




>>> He Is Mine My Gay Best Friend <<<




~There comes a time when you have to choose between turning the page and closing the book.~





"Please, Andrea......." Napatingin ako kay Paul sa hitsura niyang parang nauubusan na siya ng pasensya sa akin.


Huminga siya ng malalim saka lumapit sa akin. "Please, stop this or else, kakaladkarin kita papuntang apartment ko!" saka nito hinilot ang sariling sintido.


Alam ko namang naiinis na siya sa akin, sa patuloy kong pag-iyak kay M.J alam ko naman na kailangan ko nang ihinto ito di lang para sa sarili ko kundi para na rin sa mga taong nakapaligid sa akin, para sa anak ko, para kay Paul, para sa mga tauhan ko na umaasa sa kompanya namin. Pero sa tuwing sinasabi ko sa sarili ko na kailangan ko na siyang kalimutan mas lalo akong nasasaktan, sa tuwing sinasabi ko sa sarili ko ang katotohanang hinding hindi na siya magiging akin para akong pinupunit nang maraming ulit, sobrang sakit at dahil sa sobrang sakit nito pakiramdam ko kahit anong oras mababaliw na ako.


"Alam kong mahirap..." mahinang sabi ni Paul habang naka luhod sa harapana ko. "Sobrang hirap para sayo, kung sa iba nga na maayos ang break-up matagal bago naka move on ikaw pa kaya na walang maayos na closure?" hinaplos niya agad ang pisngi ko ng may malaglag na mga luha doon kahit pigilan ko ang luha ko parang sobrang dami nila at kusa na silang lumalabas sa mga mata ko. "Hindi ko sinasabing mag move-on ka na ora mismo, pero sana Andrea tulungan mo ang sarili mong tanggapin ang mga pangyayari kahit mahirap dahil kahit anong mangyari ikaw, at ikaw lang din ang makakatulong sa sarili mo at ikaw lang din ang nagpapahirap dito, M.J is gone he is now happy to whom he chooses, so you have to do the same... You have to tried harder to let got, it's not easy but you have too, isipin mo naman ang batang nasa loob mo he's suffering too, ayaw mo naman siguro na pati siya mawala di ba?"


Napayakap naman ako ng mahigpit sa tyan ko impis pa lang ito pero nararamdaman ko na ang pagpintig niya sa loob na parang sinasabi niya siya naman ang isipin ko na gusto niya akong makasama at siya hindi niya ako iiwan.

Sleeping With My Gay Bestfriend (Fan-fiction) &quot;He is MINE My Gay Bestfriend&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon