38th Plan

33.8K 501 13
                                    

Pag kadilat ko ng mga mata ko, parang umiikot ang mundo ko. Parang kagabi lang nandun ako sa bar, umiinom at umiiyak... dahil sa iisang lalaki.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Pag mulat ko, may luhang dumaloy sa pisngi ko. At dire-diretso nanaman... heto nanaman ako. Bumabalik sa nakaraan.

"Baby Z..." Naririnig ko ang katok ni mommy. Alam ko na nag aalala na siya sakin. Pag uwi ko kasi kagabi, hindi ako kumain. Pati kaninang breakfast.

Siguro takang taka na sila kung ano ba talagang nangyari sakin... o samin.

Hindi ko alam na kaya kong sabihin lahat ng yung sa kanya kagabi. Hindi ko nga maisip kong paano at bakit... lahat naman ng sinabi ko sa kanya, galing sa mama niya. Ni sa hinagap ko, hindi ko naisip yun.

"Zeria... kausapin mo ko. Mag usap tayo baby."

Tumagilid ako at tinakpan ng unan yung tenga ko. Ayoko pang makipag usap kahit kanino... para akong namatayan sa sobrang sakit. Hindi ko pa kayang humarap sa mga tao.

Nagising ako na madilim na ang paligid. Nakatulog pala ko ng di ko namalayan. Pagkabangon ko sa kama, biglang bumukas ang ilaw...

Niyakap ako ni mommy ng mahigpit.

"Sabihin mo sakin kung anong nangyari... bestfriend mo ko diba?"

Naiyak ako lalo sa sinabi niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Ang sama sama ko mommy... napakasama ko..."

"Ssshh. Hindi totoo yan... tell me your story."

"I broke up with him last night."

"W-why... may nagawa ba siya sa'yo? Niloko ka ba niya?"

Umiling iling ako, hindi magagawa sakin ni Bryle yun.

Inalalayan ako ni mommy paupo sa kama.

"Then why do you have to broke up with him? Do you like someone?"

"No mom... all I want is him. I love him very much..."

"Ssshh. Don't cry..."

"I broke up with him because his mom told me so. Mommy... masama ba kong anak? Tell me, mukha ba kong salbahe?"

"No baby... you're not."

"Eh bakit ayaw agad sakin ng mama ni Bryle? Wala naman akong ginawang masama? Hindi niyo naman pinagmamataasan si Bryle, I don't care what's his state. Sorry mommy... sorry."

"What was his mom told you, Zeria?"

"She said that it's better if I should stay away from Bryle... kasi mayaman daw ako. Mamatahin niyo lang daw siya. Lalaitin at kung anu ano pa. Alam kong hindi niyo kayang gawin yun. Sorry mommy... I keep on saying na I already know my limitations, but I don't feel sorry that I let Bryle kissed me."

"Zeria..." tinignan ako ni mommy at niyakap. "I'll talk to her mom."

"No please... sorry mommy. Ginamit ko kayo ni daddy. Nung nakipag break ako kay Bryle, ang sabi ko nag rebelde lang ako sa inyo kaya ko siya sinagot at ipinakilala sa inyo kahit na alam ko na ayaw niyo sa kanya, kasi hindi sila mayaman. Na tiniis niyo lang pakisamahan siya ng dahil sakin. Wala na kong maisip na idadahilan mommy."

"Ihahatid kita bukas sa Laurente. Papadalhan na lang kita kay manang ng pagkain. From now on, you will listen to me... okay?"

(c) Eilramisu

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon