59

97.6K 2K 178
                                    

Tagal kong naka connect sa story! Parang bumalik ako sa number one.

Group Page: Search X.i.a.n.a.t.i.c.s

FB: Xian Randal

Twitter: @XianRandal

59

 “Maayos kitang tinanggap sa pamamahay ko, Scanver, matuto kang rumespeto. Ang kaharap mo ay ako at ang asawa ko.” Sabi niya sa lalaking-lalaki na boses, seryoso, nung tinignan ni Kathryn, nakakatakot ang aura, parang manununtok anytime.

“Hey! Sorry, Pare. I was just joking. I didn’t mean to insult you. I’m sorry.” Umiiling na sabi ni Scanver.

“Sinta, calm down. Hayan, umiyak na ang baby. Gusto na yatang matulog, Sinta. Mag-uusap lang kami.” Ibinigay niya ang kambal kay Inday at karga naman ni Elvin ang isa.

“I’ll give you three minutes, Sintas, three minutes.” Seryosong sabi ni Elvin bago umalis, hinalikan muna ang asawa sa lips.

“Hindi na rin ako magtatagal, Pare, may pupuntahan pa kasi ako.”  Hindi siya pinansin ni Elvin.  Baka kasi pag lumingon pa siya, ipapakuha niya ang nailcutter kay Inday.

Maayos na inilapag niya ang kambal sa kama. Tinignan ang diaper nito kung puno na. Ang likot naman ni Kael, mukhang gutom na hindi. Habang si Inday ay inaayos ang tutulugan ng kambal.

“Ser, yun po ba ang ex ni Ma’am?”

“Walang ex ang mam mo! Ang pangit nun!”


“Ser, gwapo kaya niya, binata po ba?” Kinikilig na tanong ni Inday.

“Gusto mo bang mawalan ng trabaho ha, Inday?”

“Joke lang Ser, mas gwapo ka kaya dun. Isa pa, mayabang siya, Ser. Teka Ser, pwede magtanong?”

“Ano?” Pinapalitan niya ang diaper ni Kael. Sabay tingin sa wall clock kung lampas na sa oras.

“Siya ba yung ine-nail cutter mo, Ser?”

“Ay hindi! Ikaw! Kayong dalawa ang pagkukurutin ko gamit ang nail cutter! Kunin mo nga Inday at uunahin kita!”

“Ser, jokes langs! Seloso kasi kayo! Halata!”

“At sinong seloso yan, Inday?” Si Kathryn, nakangiting nakatingin kay Elvin.

“Umalis na ba ang bwisita mo?” Inis na tanong ni Elvin.

“Yup, Sinta. Sorry ha, hindi ko naman akalain na sasabihin ni Scanver yun, pero napagsabihan ko na, ilang beses nga siyang nagsorry.”

“Sinasadya niyang asarin ako, Sintas. Kapag ako hindi nakatiis…”

“Sinta naman. Huwag nang patulan, napagsabihan ko na, hindi na yun uulit.” Tinignan niya ang kambal. “Ang cute talaga ng mga anak natin.” Gusto na niyang ibahin ang topic, hindi siya sanay sa mood ni Elvin.

 “Saan pa ba magmamana, eh di sa atin! Inday, ihanda mo…”

“Nail cutter, Ser?” Singit ni Inday sa sasabihin sana ni Elvin.

“Hinde! Hapunan! Pag ako nainis sa iyo, talagang uunahin na kita!”

Tawa ng tawa si Kathryn sa dalawa.

**********************************

“What do you think of the design, Elvin?” Tanong ni Scanver sa kanya. It was the design submitted by one of their architects. Sila kasing dalawa ang bahala sa bagong itatayong negosyo mula sa building at kung anu-ano pa.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon