Chapter 1 ---

465 12 6
                                    

Chapter 1

"Nanay Tatay, gusto kong tinapay.. Ate, kuya gusto ko kape.. Lahat ng gusto ay susundin niyo.. Ang magkamali ay pipingutin ko..

Isa.."

Nandito ako sa may Carenderia, banda sa may school namin, kumain lang sandali... Ang tagal ko na kasi sa school eh.. Nakakapurga na.. Diba?

Nakakita ako ng mga batang naglalaro. Ang ccute nila tingnan...Naaalala ko yung mga bata pa kami nilalaro din namin ito....

"dalawa...

Ano ba yan Abey, ikaw na naman yung mali!!! Hindi na matapos tapos ito eh... Wag ka na nga sumali.. Simula nung dumating ka ang gulo gulo na!!!" narinig kong sigaw ng isang bata... Aba't -------- Bakit naman nila nasabi un sa isang bata... Grabe naman sila... Papatulan ko na sana nang...

"Abi!!!" hinawakan ako ni Ken sa braso sabay sabi "Huwag mo na patulan mga ganyan.. Away yan ng mga bata.."

hmmmmppp... Ewan ko ba, ramdam ko kasi yung naramdaman nung bata at maslalo pa dahil kapangalan ko siya...

Masyadong naging masaklap ang naging buhay ko kaya natuto ako dun lumaban, hindi lang sa sarili ko kundi sa mga tao rin na katulad ko...

Gustong gusto ko na talaga lapitan yung mga bata kaso biglang dumating si Ken at hawak hawak talaga ako ni Ken sa braso ng sobrang higpit eh saka...

"Ma-llate na tayo sa practice Bi! Halika na!!!" Sabi ni Ken.. Oo, dahil may practice pa kami. Nakanta kasi ako sa school namin at siya naman nag-gguitara...

Ayyy!!! Oo nga pala, Ako si Abigail Reyes. 18 yrs old. Nag-aaral sa --------------- University. Wala na akong kinikilalang magulang ngayon.. Para sa akin wala na sila... hmmppp... Hindi niyo na siguro kailangan malaman... By the way, Yung tumawag pala sa akin, si Ken un, bestfriend ko simula bata pa kami... Sobrang close kami niyan... As in!!! Lahat ata ng sikreto ko sa buhay siya lang nakaka-alam at siya lang ang may paki-elam... hahaha.... Oo nga pala, mayaman yan!! Isa yan sa mga Heartthrob sa school kaso hindi yan mapaglaro sa mga babae... Snob yan to be exact...

"Nakakainis ka naman eh!! Bigla Bigla ka nalang nasulpot!!!" angal ko..

"Eh sa tinatawag na nga tayo eh!!! Halika na!!!" hila sa akin ni Ken..

"Opo eto na!!! bitiwan mo na nga ako, ang higpit na ng hawak mo eh!!"

"Alam ko na kasi binabalak mo... tsss." Ngisi niya habang hinihila pa rin ako...

"Ewan ko sayo.." Yun nalang nabulong ko kasi wala naman na ako magagawa.. Hinihila niya na talaga ako eh.

Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa may gate ng school at hindi ko pa mamamalayan kung hindi ko narinig yung lalaki nakatayo sa may gate na may kausap...

"Babe... Don't do this to me!!! Kung mahal mo ako hindi mo ako iiwan... Babe!!! Kaya ko naman yung kaya niyang gawin ah!!! Papakasalan kita babe kung gusto mo... Wag mo lang akong iwanan..." Uii, ano yan!!! Kawawa naman si kuya!!! BH ata... Hmmmpp... Sayang ang gwapo pa naman!!!

Chossss!!!! Naintriga talaga ako kasi ngayon ko lang nakita yung lalaki eh... At tingin ko crush ko na siya.. Ang kinis kasi matangos ilong at ang ganda pa ng mata... Kaso may girlfriend na pala :/ Pero hindi na dapat ako maging malungkot kasi magbbreak na sila... bwahahaha...

Gusto ko pa sana makinig sa pinag-uusapan nila kaso diba nga hila hila pa rin ako ni Ken kaya hindi ko na rin narinig yung mga susunod... Sayang naman!!

After nun, nakarating na nga kami sa AVR, kung saan kami nagppractice at nagpractice na nga kami...

Ilang oras na nakalipas nang napagkasunduan na namin na umuwi na...

"bru, hahatid mo ba ako??" tanong ko kay Ken sabay beautiful eyes..

"Pshhh... Laki laki mo na pati ba naman paghatid sa bahay niyo idedepende mo sa akin.." Ang bait talaga ng best friend ko... Grabe!! kanina lang aakalain niyo na na may pagtingin siya sa akin pero ang totoo wala talaga...

"Grabe naman bru, may date ka ba kaya ka ganyan?!" tanong ko sa kanya w/ matching tingin na parang nandidiri...

"Tigilan mo nga ako sa mukhang yan Abi!!! Ang laki ng ilong mo oh!!" susundutin niya sana yung dalawang butas ng ilong ko pero natapik ko yung kamay niya..

"Pssshh.. Oo na po!!! Uuwi na po mag-isa!!! Grabe ka naman eh!! Hindi ka man lang naging considerate sa best friend mo.!" pagtatampo ko...

Sinungalngal niya yung mukha ko gamit ung kamay niya sabay sabi "Considerate mo mukha mo!!! Alis na ako... May dapat pa akong gawin eh.. Sa susunod nalang Bi ha!!"

Ayan, "bi" na naman tawag niya sa akin.. Ganyan siya kapag nakiki-tweethumps, kala mo cute... FYI, isang beses palang ata ako niyan nahahatid eh... Yung nakita niya akong hinahabol ng mga asong ulol sa kalye...

Haaayyysss, enough for this...

Nasa gate na ulit ako ng school namin nung makita ko ulit yung lalaki kanina... Grabe lang!! Sino ba pinunta niya dito???

Kitang kita ko siya, nakatingin lang sa university namin... Hindi ata siya makapasok kasi nga diba "No ID, No Entry" psshhh punta punta dito alam naman hindi papapasukin...

Perooo Nakakaawa siya tingnan... Swear!!! Kasi nga crush ko siya!!! Alam kong makapal na ang mukha ko pero weak pa rin ako sa ganitong bagay... Ang ipaglaban ang nararamdaman ko kapag sa tingin ko naman dapat pinapamigay na lang mga ganito at wag na mangielam...

"Kaya ko 'to!!" Yun nalang ang sabi ko ng makahugot ng lakas lapitan siya kasi mukhang problemado talaga siya at kailangan niya may pagbuhusan...

kaso bigla nalang nag-walk out... Ayyy, so winawalk-out-an na ganda ko ngayon?? chosss.... So, tingin ko hindi na niya ako kailangan kaya umuwi na rin ako...

Sino kaya siya?

Ano kayang pinunta niya sa school namin?

Sino kaya yung babaeng sinasabihan niya ng "babe?"

Inggit si Ako...

================================================

[Hmmmp... I'm really trying my best talaga makagawa ng pormal na storya.. Yung seryoso yung atmospera.. Hindi tuloy ako maka-joke ng bongga.. Oy'ah rhyme yun!!! haha...  xDD]

================================================

Date of Published: December 15, 2012 

Written By: @HeyDianne

His Replacement GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon