Chapter 33

22.7K 345 26
                                    

Chapter 33

Naalimpungatan ako nang may naririnig akong bulungan at hagikgikan sa aking paligid. Patuloy lang ako sa pakikinig sa ingay at pikit pa rin ang aking mata.

Gustuhin ko mang matulog pa ay hindi na maaari dahil marami pa akong aasikasuhin.

Hindi ako masyadong nakatulog nung gabi dahil sa halik na iyon! Just fvckin' shit! That was just a freakin' smack kiss pero kung isipin ko kagabi akala mo isa pa rin akong virgin!

For pete's sake Arixsandra you already have two children so what's the big deal about the kiss!

I groaned as I felt someone poking my cheeks. I pretend na tulog pa rin.

"How can we wake her up?" rinig kong sambit Zynneth.

"I don't know. Or maybe mommy is playing with us and the fact is she's already awake." rinig ko namang sagot ni Ezekiel.

Sandaling katahimikan ang namayani at narinig ko ulit ang kanilang bulungan.

"Maybe we can wake her up by kissing her!" masayang suggestion ni Zynneth.

I hid my smile from them. Such a sweet kids!

Then I already felt their kisses on my face.

But I suddenly open my eyes nang maramdaman kong may labing nakahalik sa aking labi na napakatagal.

Iba ang halik na iyon. Ibang- iba sa kanina...

Imposibleng ang kambal ang nakahalik sa akin ngayon dahil habang nakalapat pa rin ang labi niya sa labi ko ay naririnig ko ang bulungan ng kambal. Ang hagikgik ni Zynneth. At ang pagtutol ni Ezekiel sa paghalik sa akin ng taong 'to.

As I opened my eyes, I knew it, siya nga ang humalik sa akin.

Napatayo ako agad mula sa aking pagkakahiga kaya napalayo siya sa akin. Naasiwa ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin kung kaya't iniwas ko ang paningin ko sa kanya at tumigin sa kambal.

"Mommy, Zynneth let him kissed you." sumbong agad ni Ezekiel at yumakap sa aking bewang, "Good morning, 'mmy" malambing pa na dagdag nito.

"What's wrong with that? Daddy is so sweet!" kinikilig na sambit ni Zynneth at lumapit sa akin, "Good morning, mom!" masiglang bati nito sa akin at hinalikan pa ko sa pisngi.

I hugged the both of them and kiss their forehead, "Good morning, babies,"

"Oh I remember! We will ask Yaya's help for our breakfast!" sabi ni Zynneth pagkalayo mula sa akin at hinatak si Ezekiel para sumama sa kanya.

"Goodbye first, mommy! Gonna cook!" at nakalabas na sila ng kwarto.

Okay? Awkward silence. Okay...

"Uhmm... Shit!" napamura ako ng mapadpad ang aking tingin sa kanyang mapulang manipis na labi.

Focus Arixsandra! Focus on his face!

Pero alam ko, kahit anong tanggi ko, maaalala at maaalala ko pa rin ang halik na 'yun.

"Mom, are you free today?" tanong ni Zynneth habang nandito kaming apat na kumakain ng breakfast sa hapag- kainan.

"Hmm... Why baby? Mommy is busy with something important," sabi ko at sinulyapan siya.

I saw sadness on her eyes after I answered her.

"Is that really important, mommy?" malungkot sambit niya.

"Yes, baby. I'm sorry," hinging patawad ko.

"I wish you didn't go here na kasi it seems the day you left us in States and went here is also the day you never had a time for us..."

Napatulala ako sa sinabi ng aking anak. Ganoon na ba talaga ako ka- busy at hindi ko na sila nabibigyan ng oras?

"Zy..." tawag ni Ezekiel kay Zynneth tila parang gusto niyang patahimikin ang kanyang kapatid.

"Mommy, why do I feel like that important thing you busy with is more important than us?" kita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mukha.

"Baby... I- I..." hindi ko mahanap ang tamang sasabihin.

"Zy!" sigaw ni Ezekiel sa kapatid.

Napabaling kay Ezekiel ang tingin ng kanyang kapatid.

"Why? That's the truth! That thing Mommy's busy with is more important than us! Because if it doesn't that important she will always make time for us! Why do you keep hiding your true feelings with this topic, Ezekiel?! Tell Mommy how much do we want to be with her and how much we missed her after she left us! And what?! Everytime we will be having our video call she will choose to end that call because she need to do this important thing!" umiiyak na lintanya ni Zynneth at tumakbo pataas ng hagdan. At narinig ko na lang ang malakas na pagsarado ng pinto.

Lumuluha akong tumingin kay Ezekiel at nakita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata ngunit pinigilan niya na tumulo ang mga luhang ito.

"Sorry Mommy for Zynneth's action. Maybe she's just too hurt because she's right. You don't have enough time for us," sabi ni Ezekiel at yumuko.

He sighed, "Excuse me," sabi niya at sinundan ang kanyang kapatid.

Napakawalang kwenta ko na bang ina? Nasasaktan ko na ang mga anak ko. Nasasaktan ko sila dahil sa pagiging selfish ko. Nasasaktan ko sila dahil busy ako kakaayos ng annulment papers.

"Stupid! Stupid! Such a fvckin' stupid you are, Arixsandra! Stupid!" iyak ko habang sinasabunutan ko ang aking sariling buhok dahil sa inis, pagod, pagsisisi, at kalungkutan.

"Napakawala kong kwentang ina! I am such a selfish stupid mother! Just fvckin stup-"

"Stop hurting yourself!" sigaw ni Greg at naramdaman ko ng lang na nasa bisig niya na ako.

Isinubsob ko ang aking mukha sa matipuno niyang dibdib at doon umiyak nang umiyak.

"You are such a good mother. You are a one of kind. You sacrificed everything for them at isa na iyon sa dahilan para maging mabuti kang ina. And they are so lucky to have you as their mother."

Ilang minuto ang lumipas sa parehong pwesto pa rin ng magsalita ako.

And I have decided. And I think... I think my decision is final. No turning back.

I spent too much time here in the Philippines just to finish everything I need. And maybe, nawawalan na talaga ako ng oras sa mga anak ko dahil mas pinagtutuunan ko ng pansin at oras ang pag- aasikaso ng annulment namin ni Greg.

"Greg..."

"Hmm?"

"Sign the annulment papers..."

Naramdaman ko ang paninigas niya at ang paglayo niya sa akin mula sa kanyang pagkakayakap.

At nakita ko sa kanyang mata ang takot...

The Marriage DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon