Chapter 4

9.3K 248 6
                                    

Excited si Jillian na bumaba nang papalapag na ang kanilang eroplano sa Catarman Airport sa Northern Samar. Na-missed niyang sumakay ng eroplano dahil ng mga huling medical mission na ginagawa nila kapag weekend ay panay bus at van lang ang kanilang sinasakyan.

And she missed Samar the most. She remembered when she went there two years ago. Nang ragasain ito ng matinding bagyo at tila naging ghost town ito. She really felt bereaved as she saw children crying because they lost their parents and they have no food, shelter...nothing. They have nothing. And that's the time when these people needed them the most.

She can't turn down Erik's offer. Bagaman gusto niya magpahinga, ay mas gusto niya na kumilos para makatulong. She was joking around when she told Erik that she wants a professional fee. Gusto lang niya malaman ang magiging reaksyon nito sa sinabi niya. Though she might ask something from him.

A date maybe...

Naalala niya ang itsura ni Erik nang makita siya nito kanina. Ni-'ha' o ni-'ho' ay hindi siya pinansin nito. Mabuti pa ang mga kaibigan nitong kapwa mga doktor din ay pinansin siya. Kaibigan na nga niya ang mga ito. Lalo na si Nathan at Keane. Dylan and Erik were somehow the same. Both of them are the aloof type na tipong pag kinalabit mo eh sasakmalin ka.

Napatingin siya sa katabi niyang mahimbing ang pagkakatulog. Natatawa siya nang maalala ang itsura nito kanina nang makipag-agawan pa siya rito sa window seat. Sa sobrang frustration marahil ay nagpasak na lamang ito ng earphones sa tainga nito upang hindi marinig ang kaniyang monologue. She can't help but smile. Tuwang-tuwa siya sa mga ekspresyon na ipinapakita nito sa kaniya. She carefully studied his face. Hindi siguro siya magsasawang pagmasdan ito. Because damn! He looks really good. Mukha pa lang, ulam na. Bahagyang nakaawang pa ang bibig nito. Nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa kaniyang dibdib. Subalit mabilis niyang sinupil iyon.

Naramdaman ata nitong may nakatingin rito kaya nagising ito. Sinalubong niya ito ng kaniyang ngiti but he just turned his head away. Natatawa talaga siya dito.







Laking pasasalamat ni Erik dahil kausap ng driver ng truck na sinasakyan nila papunta sa nayon na kanilang tutuluyan si Jillian. Mabuti na lamang sa tabi ito ng driver umupo at siya naman ay nasa likuran ng mga ito.

Heaven is for real!

Sa wakas ay nagkaroon siya ng katahimikan kahit na sandali. Napailing na lamang siya nang maalala niya ang itsura nito pagkarating sa airport. She didn't looked like she's going to a medical mission. Mukhang magtu-tour lamang ito. She's wearing a black sando covered by a checkered white and blue cardigan, a blue knee-length short and rubber shoes. Naka-shades and cap pa ito. Napapalatak siya. Kung siya ay isang maliit na maleta at back pack lang ang dala, ito ay may dalawang malaking maleta na dala, back pack at maliit na karton. Nadagdagan tuloy ang kanilang binayaran sa bagahe.

How unprofessional.

But somehow, he noticed something different about her today. Perhaps it's her smiling eyes which never faded from the time the plane took off. Naramdaman ata nitong may nakatingin rito kaya nagtama ang kanilang mga mata. There, she smiled at him again. And he felt something heavy in his chest. Mabilis na nag-iwas siya ng tingin.

Nang marating nila ang Nayon Makasaeg, ang lugar kung saan sila magmemedical mission ay napakaraming tao na ang naghihintay sa kanila. He secretly smiled. Masayang-masaya ang mga taga-nayon sa pagdating nila. Bakas ang pasasalamat sa ngiti ng mga ito. That's what he loved about community immersions. Seeing the smile of the people and hearing the word, "thank you" is definitely worth the hardship they've experienced in med school. This is why he pursued his dream of becoming a doctor—it's for the last, the least and the lost.

The Doctor's Order Book 1: Erik & JillianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon