Crazy Day

9.4K 527 119
                                    

Alas otso pa nga lang ng umaga, nagsisimula ng magdilim ang paningin ko. Sino bang hindi kung makikita mo ang crush mo na may kasamang ibang babae ng hindi kalayuan sa pwesto mo? At pag sinabi kong hindi kalayuan, I mean isang mesa lang ang pumapagitna sa mga mesang inookupa namin kaya kitang-kita ko ang mga skinships nila at naririnig ang masasayang tawanan nila which makes me frustrated even more. May exam pa kasi ako in an hour at hindi pa ako nakakapagreview ng maayos. And now seeing them together... WOW! What did I do in my past life to deserve this kind of punishment?

Pabagsak ko nalang na nilapag ang libro ko sa mesa at tinuon dito ang aking pansin.

Kunwari wala akong nakita. Kunwari hindi ako affected. Kahit ang totoo, nasasaktan ako. Bilang Kpop fan nga, napakapossessive ko na sa mga bias kong sina Jaejoong at Kris to the point na mas gusto ko silang i-ship sa kapwa nila lalaki kaysa makita silang naili-link sa mga babae. Pano nalang sa kanya na crush ko na ng apat na taon?

Kaso tulad ng sitwasyon ko sa mga bias ko, wala akong karapatang magselos at magalit sa tuwing kasama niya si Ara, his rumored girlfriend. Isa lang naman kasi akong hamak na admirer from a distance. Kumbaga isang fangirl na lagi lang nakamasid at sumusuporta sa idolo niya kahit na hindi alam nito na siya'y nagi-exist.

"Chenee, Chenee, Cheneeeee!" Sa sobrang lakas ng pagkakahampas niya at tulak sa akin ay muntik na akong mahulog sa inuupuan ko. Hindi ko tuloy naiwasang mapasama ng tingin sa kanya. "Sorry, kinilig eh!"

"Guard? HRM student? Tagabenta 'don sa coop? O si Sir? Sino sa kanila ang nakita mo?" Oo, crushes niya 'yan lahat pero kulang pa iyan. Kaso, sila lang ang madalas niyang makita pag Friday morning kaya sila lang binanggit ko.

"None of the above! Hindi naman sakin eh. Kundi sa'yo." Sabay tulak pa ni Michelle sa noo ko saka inilapit ang bibig niya sa tenga ko, "Tumitig na naman sa'yo si Rheland! Mga 1 second."

Rheland Janzen Flores. Siya ang 4-year crush ko. And yes, hindi siya napalitan dito sa puso ko kahit anong pilit ko.  Even the oozing with hotness Kim Jaejoong and the perfection of Kris wasn't able to push him out of my mind. Ganon katindi ang kapit niya sa akin.

He's actually a year ahead of me so 5th year BSA student na siya. A consistent dean's lister (laging pasok sa Top 3) at sa pagkakaalam ko, after graduating ay plano rin niyang magproceed ng Law. Grabe. Ang talino niya no? And wait there's more! He's even part of the varsity team for the swimmers in our University. Every game niya ay andoon ako to support him and I always witness his smile as he brings pride to our school.

Too good to be true nga siya, but he's indeed a whole package, limited edition guy that every girl would die for! And no, I'm not exaggerating. His jaw-dropping body and face would make every girl swoon in awe. Even the word HANDSOME would be an understatement of how beautiful he is.

"Natulala ka na ba sa sobrang kilig? 1 second na titig, ikaw na may mahabang hair!" Pang-aasar niya sabay kiliti sa tagiliran ko.

1 second lang pero hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng saya nang marinig iyon kay Michelle. Ngunit. Subalit. Kaso kaagad din itong nabura nang mapasulyap ako sa mesa nila.

"Nakatitig nga Mich, grabe. Kikiligin na ba ako?" Sarkastiko kong tanong sa kanya, as I rolled my eyes. Nakita ko kasi si Ara na may ibinulong kay Rheland na siyang dahilan ng pamumula ng pisngi nito.

With this romantic act they're putting up in front of us, could he still be able to stare at me just like what Mich said? That would really be impossible. Mukhang hindi nga nila mapaghiwalay ang mga tingin nila sa isa't-isa eh.

"Kanina nga kasi 'yon. Nako naman oh! Bakit kasi hindi ka napapalingon pag nakatitig siya sayo?" Inis niyang tugon at ngumuso pa ito.

"Because you're imagining things again. Mas assuming ka pa nga sakin eh. Lahat binibigyan mo ng meaning."

Crazy Day (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon