[43] Suicide Mission

196K 7.1K 2.1K
                                    

Tila wala ako sa sarili habang naglalakad papalabas ng mansion nila Jack. Paulit-ulit sa aking isipan ang mga salitang binitiwan niya. Well, Summer, you asked for it. Pero hindi ko inakala na masasaktan ako ng ganito. Oo, nasasaktan ako…at hindi ko matanggap iyon.

Namalayan ko na lang na may luha na palang tumutulo sa magkabilang pisngi ko. Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot sa tabi ko si Morgan at may puting panyo na inaabot sa akin. Dahan-dahan ko itong kinuha at pinunasan ang luhaan kong pisngi.

“Mr. Frost may be a cold person but he has a kind heart,” nakangiting saad ni Morgan. “I hope you would not hate him for everything that he said. Minsan lang talaga ay mas nauuna ang bibig niya bago ang isip niya. Sana ay maintindihan mo siya. He’s hurt. And that kid is not used to pain, kung kaya ang defense mechanism niya ay galit.” Paliwanag niya at sa tingin ko’y kaya niya sinasabi ang mga iyon sa akin ay dahil he’s trying to comfort me.

Nasa may veranda na kami ng mansion at napatigil ako sa paglalakad nang tumigil din siya. Humarap siya sa pwesto ko kung kaya’t humarap din ako sa kanya. Napatitig ako ng matagal sa may katandaan na niyang mukha.

Napabuntong hininga siya bago nagsalitang muli. “I really hope you wouldn’t give him up.” Wika niya.

“A-Ano po?” naguguluhang sagot ko.

Ngumiti siya at saka ibinalik ang tingin sa daan kung saan kami nanggaling. “Ang batang iyon, kahit na ipinapakita niya sa lahat na hindi niya kailangan ang kahit sino sa buhay niya, deep inside of him, he’s a lonely kid.” Ibinalik niya ang tingin niya sa akin bago ipinagpatuloy ang sinasabi niya. “Nasa tiyan pa lang siya ng kanyang ina ay nagtrtrabaho na ako para sa kanila. Ako na halos ang nagpalaki sa batang iyon.”

Dahan-dahang napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin ang mga ito. Hindi ko alam kung saan papunta ang usapan namin.

“Maybe what I’m trying to say is give him a chance, Miss Pascua. He’s not as awful person as you believe he is. Well maybe he’s not that someone who’ll beg anyone for love because he believes he doesn’t need that thing. But believe me, that kid has been longing for someone to love him. That kid needs love but he won’t admit it. Pero ngayon, ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito. Ngayon ko lang siya nakitang nagpakadesperado. Ngayon ko lang siya nakitang inamin sa sarili niya na kailangan niya ng pagmamahal.”

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko matapos marinig ang mga sinabi niya.

“Please give him a chance to become human again. He needs help. Please help him, Miss Pascua.”

Nanatili akong nakatulala sa kanya. Hindi ko magawang iproseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Hindi ko magawang magreact at magsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Jack needs help?

“Mabuti pa ay ihatid na kita sa labas. Maaring kanina pa naghihintay si Ginoong Storm roon.”

“A-Ah. O-Oo,” nalilitong sagot ko.

Sinabayan akong maglakad ni Morgan hanggang sa makaabot na kami sa may gate. Ngumiti siya bago yumuko sa akin. Tila iyon na ang paraan niya ng pagpapaalam. Napayuko din naman ako sa ginawa niya. Pagkayuko ko ay bigla na lang bumukas ang gate sa likuran ko. Napatingin ako roon bago ibinalik ang tingin kay Morgan.

“Hanggang sa muli,” aniya.

Ngumiti ako ng pilit bago sinimulang maglakad papalabas ng gate. Pagkalabas na pagkalabas ko ay mabilis na nagsara ito. Well, hindi na ako nagtaka. Pagkarating pa lang namin kanina ay alam ko nang hindi welcome ang bisita sa tahanan ng mga Frost.

Nagmamadali akong lumapit sa sasakyan ni Storm nang maalala ang lagay niya. Pagkapasok ko ng sasakyan ay nakita ko siyang hirap na hirap na nakayuko sa manibela.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon