Chapter Six: You're The One I Love

539 19 0
                                    

Chapter Six: You're The One I Love

"NAAALALA mo na ako, John?" tanong ko nang medyo kumalma na ako.

"Is that important? Ang tinatanong ko sa iyo ay kung bakit hindi mo pinakilala ang sarili mo sa akin bilang girlfriend ko? Everybody knows who you are except me. Mahirap bang ipakilala mo 'yung sarili mo sa akin?"

Huminga ako nang malalim. "John, I did that because it's for the best. Hiwalay na tayo bago ka pa man magka-amnesia. Ayaw kong makilala mo ako bilang girlfriend mo kahit hindi mo na naman ako girlfriend. I want to move on, John. I really want to."

Humawak siya sa dibdib niya. "But is that what I want? Pumayag ba ako sa break up natin?" Tumingala siya at nagmura nang mahina. "Fuck! Why do I feel this way?" Tiningnan niya ako nang may luha sa mga mata niya. "Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang sakit? Sabihin mo nga, sinabi ko bang hindi na kita mahal? Dahil tingin ko hindi 'yon ang nararamdaman ko."

"John, we're done. Mas mabuti nang hindi mo maalala ang lahat. It's for the best. Just forget every damn thing that happened between us." Tumayo ako at binuksan ang pinto palabas. "Let's forget about us, please?"

Kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya. "Please? Did you just say please, Liezl?"

Yumuko ako at pinigilan ang pagtulo pa ng luha ko. "Please."

Inayos niya ang gamit niya saka tumayo. Palabas na siya nang huminto siya sa harapan ko. "Hindi ko man naaalala ang lahat pero alam kong hindi kita nakalimutan dito," sabi niya sabay turo sa puso niya. Inangat niya ang mukha ko at tinigan ito. "Please, huh?" payak na tumawa siya. "I guess, this is goodbye." At mabilis na dumikit ang labi niya sa labi ko. "I will always love you, Liezl. Always," bulong niya at saka tuluyan nang umalis.

Nanghina ang mga binti ko at napaupo na lang ako sa sahig. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ang sakit sakit nang nararamdaman ko. Dumodoble pa ang sakit tuwing maaalala ko ang mga luha sa mata ni John. Mali ba ang ginawa ko? Mali ba ang hindi ko siya tanggapin? Mali ba na natakot ako na baka masaktan na naman niya ulit ako? Mali ba?

"BAKIT KA nagtatago d'yan?"

Napatingin ako sa nagsalita sa likuran ko. "Shara! Ano'ng ginagawa mo d'yan?" gulat na tanong ko sa kanya.

Natawa siya. "Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw? Ano ang ginagawa mo d'yan? Bakit ka nagtatago d'yan sa likod ng halaman?" Naningkit ang mga mata niya at may biglang nakakalokong ngiti ang kumurba sa labi niya. "Tinitingnan mo si John, 'no? Bakit hindi ka pumasok sa loob para mas makita mo siya?"

Alanganing ngumiti ako at saka umiling. "Hindi naman siya ang pinunta ko, e," tanggi ko.

"Talaga lang, ha? Sino pa ba ang pupuntahan mo dito bukod kay John? Wala namang iba. Ano ka ba, Liezl? Parang ibang tao naman ako." Tumingin siya sa loob ng recording studio. "Saka, noong bumalik si John parang naging weird siya. Ayaw naman niyang magkuwento kung ano'ng nangyari sa kanya sa Brooklyn."

"Does he remember anything? I mean, may nasabi ba siyang naalala na niya?"

Umiling si Shara. "So far, wala pa naman siyang sinasabi na naalala niya." T-in-ap niya ako sa balikat. "I don't know how you feel, basta nandito lang ako at umaasa pa rin kami na babalik na lahat ng alaala ni John. Maalala ka rin niya."

Pilit na ngumiti ako. "Okay lang naman ako. Nag-aalala lang ako sa kanya."

Tumango tango siya. "You sure na ayaw mong pumasok sa loob? I can vouch you in."

The Cliché: Only Learned Bad ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon