CHAPTER 70

3.4M 88K 133K
                                    

MAX'S POV

"Okay class I'll see you again tomorrow."

"Bye Miss."

Inayos ko na ang gamit ko at sumabay na kila Migz paalis, lunch break na kasi.

"Miss del Valle?" si Miss Lira, Values Education Lecturer.

"Yes Miss?"

"Can I have a second? I'd like to talk to you." nakangiting sabi niya.

"Yes Miss." sabi ko sa kanya at saka bumaling kila Migz. "Mauna na muna kayo, susunod na lang ako."

"Sasamahan na kita." si Naih.

"Hindi na, kasama ko naman si Miss kaya okay lang ako."

"Sige. Aabangan ka namin sa harap ng building ha?"

"Sige." at pinanood ko silang umalis. Saka ako bumaling kay Miss. "Ano yun Miss?"

"Ahh Miss del Valle. I am impressed with your class participation and your examination results."

"Thanks Miss." nakangiting sabi ko.

"But I am sorry to say that I am a bit disappointed with your attitude."

Hindi ko siya sinagot, napatungo na lang ako.

"I am teaching you Values Educataion that's why I am personally talking to you, so that you'll be informed regarding your attitude, and in case your friends can't tell you straight. Kanina ay hindi ko nagustuhan kung paano mo ako kausapin habang nagrerecite ka." malumanay pa ring sabi niya. "Sa akin ka lang ba ganon o pati sa ibang Lec mo?"

"Sa lahat Miss."

"And why is that?"

"Hindi ako sanay gumalang Miss."

"What?" gulat na tanong niya.

"Ganito talaga ako Miss." nakatungong sabi ko. "Kung naoffend ko kayo, hindi ko sinasadya."

"Okay okay. *sighs* Can you promise me that you'll try your very best para matutong gumalang?" mahinahong tanong pa rin ni Miss. Mabait siya, dalaga pa kasi at bata bata pa.

"Yes Miss."

"Okay. Then I'm hoping that at the end of this school year, marunong ka nang gumalang hindi lang sa akin, pati sa mga co-teachers ko. I've been hearing a lot about you, pero hindi ko pinapansin dahil magaling ka sa exams at sa klase. Pero kanina, yun na yata yung pinakamalalang recite mo hahahaha. Kung makipag-usap ka sa akin ay parang kaklase mo lang ako at kaedad mo ko." hindi ko siya nasagot at napahiya ako lalo. "But don't worry, hindi ko man naririnig ang paggalang mo. Nararamdaman ko naman ang respeto mo." nakangiting sabi niya.

"Thank you Miss. And thank you for understanding." nakangiting sabi ko.

"Part of my subject." nakangiting sabi niya na hinawakan pa ako sa balikat. "Sige na, you may go. Thanks for your time."

"Yes Miss. Thanks ng napakarami Miss." sabi ko na nagbow pa.

Naglakad na ako papalayo sa classroom namin. Pero bababa na sana ako ng hagdan nung marinig kong may nag-uusap doon sa hagdan. Nag-eecho dahil siguro wala nang gaanong tao at medyo nasa gitna sila ng buong hagdan, mga nasa ikatlong palapag siguro.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon