Para Sayo

35 1 2
                                    

Hindi ko maintindihan itong nararamdaman

Tila ba may paru paro sa aking tiyan

At ang aking puso ay kinakabahan

Parang may nakabara sa aking lalamunan

Sa tuwing nakikita ka napapangiti akong talaga

Iba ang aking nadarama, lagi kang tinitigan nitong mga mata

Sa malayo doon ka tinatanaw o aking sinta

Sana pagdating ng araw magkatinginan tayong dalawa

Nakakagawa ako ng tula at kanta

Ikaw ang inspirasyon at nasa isip sinta

Sana iyong mabasa ang bawat titik at letra

Sana iyong magustuhan ang katha ng isang nagpapakamakata

Sa iyong pagbabasa sana maisip mo na itoy para sayo

Ito ay walang halong biro lahat totoo

Ito ay aking nagawa dahil sa paghanga sa isang tulad mo

Ikaw ang laman isip kong tuliro dahil sa kaiisip sayo

Hindi mo alam na ikaw ay aking mahal

Hindi mo alam na ikaw ay aking inaasam asam

Hindi mo alam ikaw lahat ang dahilan

Hindi mo alam na ikaw lamang ang laman ng isipan

Para sayo ang tulang ito na naglalaman ng paghanga sayo

Para sayo ang bawat letra dito dahil ikaw ang bida rito

Para sayo ang bawat ngiti ko dahil ikaw ang dahilan nito

Para sayo ang puso ko dahil ikaw ang nilalaman nito

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon