Chapter Thirteen

642K 11.9K 1.2K
                                    


NAG-IILUSYON lang ba siya ng narinig or tama talaga ang rumehistro sa utak niya na sinabi ni Kiefer? Gusto siyang syotain nito? Shuta dis.

"Seryoso ka ba?"

"Look at me." Itinuro nito ang gwapong mukha. Ang makasalanan, pero gwapong pagmumukha. "Look at this face. Do I look like I'm just kidding?"

"Ewan ko sa 'yo. Bakit mo ako syosyotain?"

"Syotain?"

"Oo, shota. Pang-short time na girlfriend? Hello?"

Parang hindi nito nagets ang sinabi niya. "I want a relationship. Serious. Not short time girlfriend."

Naguluhan siya sa sinabi nito. "Pareho lang naman 'yon?"

"A short time girlfriend is like a fling or a fuck buddy.. I don't know. Saan mo nakuha ang salitang 'yan?"

Oh my God. "Tanong ko rin, saang kweba ka galing?"

"Saang kweba ako huling nanggaling? Is that what you mean?" tanong nito, kapagkuwan ay ubod ng kapilyuhan na ngumiti.

Puro sex talaga siguro naiisip nito. Hindi na siya magtaka kung pagkatapos nito makipagsex, parang gusto pa ulit nito ng isa. What a perv.

"Seryoso ako, Kiefer."

"And you think I'm not serious?"

"Okay, unang una. Why would you want a relationship with me?" Itinuro pa niya ang sarili. "Ni hindi mo pa ako totoong nakikilala. Hindi mo kilala sinong kaibigan ko, saan ako nakatira, sinong mama ko--"

"Gusto mo ba kilalanin ko na sila ngayon? I can do that. Easy. Pagaalis din natin dito, let's go."

He can't be serious. Siya? Jojowain nito? Hindi niya masabi kung isang magandang panaginip ba 'yon o masamang bangungot. Maraming dahilan para tanggihan niya agad iyon.

Pero kagagahan na niya kung tatanggi siya. It's a good opportunity. Parang mas maganda yata 'yong proposal nito. Hindi niya maisusuko ang bataan sa hindi naman niya jowa. Atleast, kung papayag siya sa relasyon na gusto nito, may magandang dahilan. Hindi lang basta ibinaba niya ang garter niya para lang sa trabaho.

Naalala niya ang sinabi ni Marsh. Kailangan niya gamitin ang utak niya kesa sa puso. Kailangan niyang maging praktikal.. Para din ito sa kinabukasan nila ng kanyang ina.

Kakagat siya sa gusto nito. Hindi na rin naman siya lugi.

"What do you think? I'm giving you a better proposal. Maraming babae dyan na nagkandarapa sa akin, pero ikaw pinili ko.."

"Wow, ha? Bakit parang kasalanan ko?"

He grinned. "Just say yes, Miss Escudero.."

Hindi niya alam kung ano binabalak nito. Why would she want her to be his girlfriend?

"Sandali, bigyan mo ako ng ilang minuto para mag-isip.."

"Faster."

Sinamaan niya ito ng tingin. "Wait lang, ha? 'Yong ibang mga nililigawan nga, ilang buwan pa nag-iisip bago mag-oo.. Ako pa na dito sa lunch lang inalok maging girlfriend? Pagmamadaliin mo pa mag-isip?"

"You said you need me."

"I just need the job. Hindi posisyon as partner mo, okay?" Hindi ba lugi siya? Pag nag-oo siya, baka araw-arawin siya nito? Magaya siya sa tinatawag ni Marsh na Miss Malou.

Nanginginig na dinampot niya ang baso at uminom para pawiin ang biglang pagkauhaw.

Kung ibang babae lang siya, baka di na niya pag-isipan pa 'yon ng bongga. Wala naman kasing dapat pa ikatanggi kay Kiefer. He's a good looking guy with thick arms and hard muscles in the right places. He's a good catch.

 Para na siyang naka-jackpot sa lotto. Anuman ang intensyon nito, sex man 'yon or what, hindi siya ang lugi. She could easily get what she want in her life. Para siyang nagkaroon ng short cut sa gusto niyang magandang buhay para sa kanilang mag-ina.

"I'm waiting.."

"Mainipan talaga 'yong uri mo no?" sabi niya at bumuntong-hininga. "Wow, this is crazy. Di ko alam isasagot ko. Because honestly, nakakabaliw ka."

"Mas lalo na pag natikman mo na.." pabulong na sabi nito, pero may intensyon na iparinig sa kanya.

Tutal nagdedesisyon na rin siya ngayon at alam niya na maaaring maling desisyon ang magawa niya. But she want assurance. She wanted to give it a try, dapat lang malaman niya kung ano ang makukuha niya.

"You're just into sex. Tingin mo, paano ako makakapayag agad kung alam ko 'yun lang ang habol mo?"

"I'm a man, Shamcey. I have needs. It's true that I want sex.. Hot sex with you."

Nakagat niya ang ibabang labi sa init sa tono nito. Naging mapungay ang mga titig nito. Tumuwid siya ng tayo. Parang nawalan bigla ng silbi ang AC doon. Tumaas ang temperatura sa loob ng malawak na silid kung saan may iba ring kumakain. Pero may kanya-kanyang mundo sila doon.

Tulad nila ni Kiefer, parang nagsisimula na silang bumuo ng sariling silid. Kung saan nararamdaman niya ang init na dulot ng titig nito. Init na ipinahahatid ng bawat letra sa mga salita nito. Gusto niyang paypayan ang sarili.

Whoooo, tubig pa please. Hindi nag-iisip, kinuha niya ang baso ni Kiefer at uminom doon.

"Oh." Dumaan ang saya sa mata nito. "Parang tinikman mo na rin ang labi ko n'yan."

Muntik-muntikan na siya masamid. "Paalala ko lang sa 'yo, Kiefer, kapag pumayag na ako.. Please, wag mo ako bibiglain."

"Sure, your consent matters to me, Shamcey. Kapag di ka pa handa, di ko naman ipapasok."

Anak ng.. Tigang na tigang na ba talaga 'to?!

"So, what's the decision?" tanong nito. Natigilan siya ng maramdaman na may sumasanggi sa binti niya. Narealize agad niya na nakadikit na ang binti ni Kiefer sa kanya at tahasan na ikinikiskis.

Sa di mabilang na beses, napalunok ang dalaga. "If you only want my body, then why do you have to ask me to be your girlfriend? Mas madali sa 'yo kung hindi.. Walang commitment. No strings attached, tulad ng gusto ng mga tulad mo."

"I'm not irresponsible, Shamcey. It's not only about sex."

"Kasasabi mo lang kanina na 'yon ang gusto mo. Bobolahin mo pa ba ako?"

"Pero ayaw lang kita banatan sa kama, Shamcey.. If I want to do it with you, gusto ko may relasyon tayo at hindi lang parausan. I don't want a sex buddy, I want a commitment. A relationship."

Kinuha nito ang kamay niya at pinagdikit ang mga palad nila.. "Pwede naman natin kilalanin ang isa't isa pag magkakasama na tayo."

May punto rin ang binata. At aaminin niya nagulat siya sa mga sinabi nito. Hindi lang gulat. Nakaramdam siya ng tuwa.

Kahit papaano may bagay rin itong nasabi na nagustuhan niya. He's not just a hot, rich guy. May sense of responsibility din pala ito.

Ngumiti siya. "Okay, pumapayag na ako. Tayo na."

He smiled in triumph. "Good." Tinawag nito ang waiter at hiningi ang bill nila. Pagkatapos mabayaran ang mga kinain nila, niyaya na siya nito.

"So, magsisimula na ba ako ngayon ulit sa Helios?" tanong niya dito habang magkahawak kamay ulit silang naglalakad palabas ng restaurant.

"Not today, babe." Umiling ito at nilingon siya. "We're going to seal the aggreement between us."

"Ha? May ganoon pa?" nagtatakang tanong siya.

"Yeah, and we're doing it in my place." he winked at her.

Natutop niya ang bibig nang makuha ang ibig nito sabihin. Oh, God. Eto na nga. Dapat na siyang kabahan. Nang lumulan na siya ng kotse nito, alam na niya kung saan patungo iyon.

But for some reason, hindi kaba na takot ang naramdaman niya. It was more like an excitement. And she instantly felt the need, hot and intense, pumped in her blood.

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon