Oo, isa rin akong ambisyosang tao. Nabasa ko tong 10 sentences na to sa isang page sa FB at napagkatuwaan kung gawan ng echos.
May crush kaya siya sa akin? Crush ka din ba niya? Let's find out.
SIGNS NA MAY CRUSH SAYO ANG CRUSH MO:
1. Nagkakahiyaan kayo sa isa't-isa
Yung Tipong , pag magkakasalubong kayo eh iiwas siya ng tingin o kaya titingin siya sa ibaba o ano basta lang parang hindi ka niya nakita. Meron din yung, pagka groupworks na kelangang magkakatabi kayo, maiilang siya na lumapit sayo..
Yung mga ganun?
Tapos, hindi siya kumportable pagka malapit kayo sa isa't isa, parang laging may malaking transparent na pader sa pagitan niyo, nakikita niyo ang isa't isa pero hindi kayo naguusap o nagpapansinan.
O kaya kung kailangan niyong mag-usap eh magalaw ang mata niya, hindi ka niya matitigan ng diretso, susubukan niyang bilisan para matapos ang conversation niyo agad agad para makapagtago siya at itago ang kilig (O pwede ring umalis siya kasi ayaw ka niyang kausapin, mm..).
2. Sweet siya sayo kapag kayo lang dalawa
Kahit sa text lang, o kaya chat sa FB andami dami niyang indirect na banat, o kaya umaamin siya pero sa huli may "joke", tandaan, JOKES ARE HALF MEANT. at ito ay isang paraan para umamin ng hindi nakakahiya sa isang tao ..
parang ..
"Ang ganda mo ! hahaha.. joke"
"alam mo .. mahal kita .. joke! haha"
o kung sa personal naman, yung nag aact siyang parang may relasyon kayo, papisil pisil sa ilong .. kiliti o banat yan sa personal .. pero hindi niya ginagawa pag may maraming tao .. ayiiie.. CRUSH NA YAN! nahihiya lang .. xDD
3. Lagi ka niyang inaasar o kinukulit
Yung, pagdating mo palang sa umaga , katakot takot na pang-aasar na maririnig mo sakanya, napapansin niya kahit maliit na pimple mo o kaya yung ayos ng buhok mo.. sapatos mo, damit mo, mukha mo, hininga mo, LAHAT!
Hayaan mo lang siya,
TANDAAN, hindi niya mapapansin yun kung hindi ka niya pinapansin .. ayiiie... (makes sense? or baka waley nanaman yung logic ko ? xDD)
Tsaka nagpapapansin lang talaga yun .. intindihin mo na :D
4. Madalas kayong magkulitan
Parang pang-aasar din to pero may halo nang violence, minsan, sinasaktan, hinahawakan ka niya (minsan lang, may mga cases na ganito) ..
para naman sa sweet guys, nagtatawanan kayo parati, JOKE TIME yung ganun,
Pag naranasan mo na to kasama ang crush mo, ibig sabihin ..
komportable din siya sayo :)
Kahit na sa text lang o chat .. basta yung pinapatawa ka niya parati, yun na yon! ayiiieee!!!
5. Lagi ka niyang nilalapitan
eto na .. yung pasimpleng uupo malapit sayo .. o kaya magpapapansin / gagawa ng eksena sa harap mo .. meron din naman yung bigla bigla nalang siyang lilitaw sa likod mo o harap mo pag wala kang kasama ..
Nakakahiya rin kasi yung lalapit lapit siya sayo pag kasama mo friends mo .. xP di naman natin maiiawasan ang mga kaibigang ..
"AYIIIEEE!!!"
"KAYO NA???!!!"
etc etc.. ang alam na sabihin .. diba? xDD
6. Nababadtrip siya sayo ng walang dahilan
baka naman kasi may nagawa kang something na ikinaselos niya o ikinagalit niya .. hindi mo man alam .. pero baka naapektuhan siya, minsan naman .. nababadtrip siya sayo kase ..ahmm ..
O'nga pala walang dahilan .. haha ..
Keri lang .. initindihin mo lang uli .. heha .. Pero uyy.. kung talagang gusto ka niya .. hindi ka niya matitiis <3
7. Lagi ka niyang tinatawanan
Isa nanamang paraan ng pagpapapansin, yung tipong nalang ng ginagawa mong katangahan tatawanan niya ..
Nadapa ka .. tawa,
may tinga ka sa ngipin .. tawa
mali sinabi mo sa recitation.. tawa
Pero uyy.. :) kahit na anung katangahan pa o kabaliwan ang gawin mo .. sa totoo lang, sa bawat tawa niya, cute ka parin para sakanya .. :) Kaya yaan mo lang .. :)
8. Laging nakikibalita kung ano ang lagay mo
Yung pasimple niyang tatanungin sa mga kaibigan mo kung kamusta ka .. o kaya kung nasan ka .. o ano mang ginagawa mo ..
Pa sulyap sulyap .. yung ganon? naranasan mo na ba to? xDD
9. Lagi kayong nagkakatinginan ng hindi sinasadya
mga 10 beses kayo sa isang araw kung magkatama ng mata .. oo nakakailang ..
Pero diba , nakakakilig?
BAKIT KAYO MAGTATAMA NG MATA KUNG HINDI KA NIYA GUGUSTUHING TIGNAN .. tapos .. SA MATA PA??
luh,.. KILIGIN KA NA! xD
10. Concern siya sayo.
eto ang pamatay .. :D nakaka turn on ang mga lalaking concern sayo, kahit na indirect .. for example ..
"uy.. mag-ingat ka ha .. baka madapa ka..hahaha .. "- kahit na parang hindi seryoso, deep inside seryoso yan! di niya naman sasabihin yan kung wala lang diba? xDD
Pauwi ka.. mag v-vibrate phone mo.. 1 Text message.. Binuksan mo.. "Ingat lampa. " ang tumambad sayo. Imbes na maasar ka, mapapangiti ka diba?
__________________________________
Ayun lang .. haha.. pero bago mag assume, mas nakakabuting alamin ang totoo .. malay mo .. hindi lang pala siya ganito sayo .. ang di mo alam .. pati pala sa ibang babae..
Okay, KJ. HAHAHA