KABANATA 39

48.7K 1.3K 99
                                    

Jasper’s P.O.V.

"Kailangan kong umalis."  Bulong ko kay Mommy matapos kong makababa mula sa bubungan.  "Kayo na po muna ang bahala kay Jordanna."

Lumingon ako kay Jordanna na mukhang abala pa rin sa pagsipat kung ano 'yung nasa aming bubungan.  Ang Daddy naman, nakatingin lang sa amin ni Mommy. Tila nagtataka ito kung ano ba ang pinagbubulungan namin.

"Ano ba ang nakita mo ro’n?"  Nag-aalalang bulong ni Mommy pabalik.  

"Bangkay po." Agad na nanlaki ang kanyang mga mata, "Bangkay po ni lolo Alberto." Bumuka na ang kanyang bibig. "Hawak ni Lucio si uncle Manuel." Tinakpan na n’ya ng mga kamay n’ya ang kanyang nakangangang bibig. "Kailangan ko pong tipunin ang aking mga kasamahan, ngayon mismo.  Papatayin daw ni Lucio si Uncle kung hindi kami makakarating sa itim na burol bukas."

"Pero papan—" Inginunguso n’ya ang bangkay sa aming bubungan.

"Huwag n’yo na aalalahanin 'yan Mommy.  Ako na ang bahala sa bangkay ni lolo Alberto. Sa ngayon. Gusto ko pong pumunta muna kayo ni Daddy kay lola Marietta.  Isama n’yo po si Jordanna, at kung maaari, pati na rin si Helena."

"O sige, sandali."  Kinuha n’ya ang kanyang cellophone at nag-dial. Tinatawagan n’ya ang Lola.  "Hello Ma. Ano po kasi—po? Alam n’yo na?” tumingin s’ya paitaas habang nakikinig kay Lola sa kabilang linya. "Kasama n’yo na ngayon si Helena at sino ho?” napasulyap sa akin si Mommy, "Susunduin n’yo na kami?” lumapit na si Daddy sa kanya at inakbayan. "Ngayon na? Oo sige po.  Mag-e-empake lang po ako ng ilang damit."  Pinutol na n’ya ang linya.

"Anong sabi n’ya?"  Tanong ni Daddy sa kanya.

"Kasama na daw ni Mama si Helena at si Paolo. Dadaanan na lang daw n’ya tayo ngayon papunta sa 'Paraeiah'."

"Paolo?” si Daddy. "Sinong Paolo?"
"Ano ka ba," Tinapik ni Mommy ang balikat ni Daddy.  "Si Paolo.  Anak ni Art."

Napakunot-noo si Daddy. "Eh bakit kasama nila si Paolo? Hindi ko maintindihan." Kakamot-kamot si Daddy.

"Ano ka ba naman, Love.  Ang tanda-tanda na natin, naive ka pa rin.  Helena and Paolo are dating na 'no!"

"Ano?” lalong nagusot ang mukha ni Daddy. "Kailan pa?"

"Ilang araw pa lang." Nakabungisngis na sagot ni Mommy.

"Bakit hindi ko alam?"

"Hais! Ewan ko sa 'yo.  Parati ka namang walang alam sa nangyayari dito sa planet Earth." Pairap na sagot ni Mommy kay Daddy.  "Saang planeta ka ba nanggali—"

"Alien din po kayo?” gulat na gulat na pagsingit ni Jordanna sa pag-uusap ng aking mga magulang. Nakatingin ito kay Daddy.

"H-ha?"  Napanganga si Daddy kay Jordanna.

"Ibig po bang sabihin. Hindi po kayo nanggaling ni daddy Jason sa iisang planeta, Mommy Helga?"  Nakatingin naman ngayon si Jordanna kay Mommy.

"H-ha?” si Mommy naman ngayon ang napanganga kay Jordanna.

Hinatak ko sandali si Mommy papalayo. Binulungan naman n’ya ako kaagad nang, "Hindi pa ba alam ni Jordanna ang—"

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon