A One Shot Story

841 28 10
                                    

I JUST CAN’T BE… YOUR SECOND BEST

I’m Yumi Matsuoka and here’s my story…

College is really a different environment compared to highschool where you can meet a lot of faces, different cliques and varieties of uhmmm… well, hot guys… ^^

Hindi ako inenroll ng mga magulang ko para lang kunin ang allowance ko araw-araw at ipanglakwatsa. Syempre kailangan kong magsikap para makapagtapos at maging successful sa kung ano man ang magiging trabaho ko balang araw. At para magawa ang lahat nang yon, kailangan kong sundin ang mga pangaral ng mga magulang ko at magsumikap sa pag-aaral at maipasa ang lahat ng mga subjects at maka-graduate on-time. In short, kailangan kong maging good girl. Pero minsan, kahit gaano ako ka-GOOD na GIRL at masunuring bata, hindi matatanggal sa akin ang maglandi paminsan minsan. Yung saktong landi lang, syempre gusto ko din naman magkaron ng sariling pamilya in the future. Eh saan ba nagsisimula yun? Diba sa ligawan? Pagiging magboyfriend/girlfriend? Hindi naman ako nagmamadali, feeling ko lang kasi napag-iiwanan na ako ng agos ng buhay. Pero sabi nga nila, bata pa ako at wag muna yun ang isipin ko. Pero hindi mo ba maiiwasang maghanap kung sa university na pinasukan mo eh parang kabute lang ang mga gwapong nilalang na kahit saan sumusulpot? Syempre, kailangan din namang paminsansan minsan ay punan din ang pangangailangan ng mga mata. Haha!!! Chos!

Ang dami ko pang sinabi pero in short, naghahanap lang ako ng boyfriend-material. At sa mas madaling salita, nag-bo-boy hunt ako. Literally, I am and still hunting for a guy who’s somehow suitable for my preferences.

Requirements:

1.       Mas matangkad dapat sakin. So dapat above 5”ft kasi yun yung height ko.

2.       Katamtaman lang ang kulay, not too dark, not too fair. Minsan delikado ang sobrang puti, baka mas kilos babae pa sakin. ^^

3.       May magandang mata. Not necessarily chinito pero mas prefer ko nga kung singkit pero hindi yung parang ka-mata na ni PUCCA ha.

4.       May malamig na boses at magaling kumanta.

5.       Marunong tumugtog ng kahit anong musical instrument.

6.       Matalino. Pero wag sobra.

7.       May sense kausap. Maganda kasi kung may sense yung pag-uusap kesa sa puro ka-echosan, landian at ka-cheesyhan lang yung pinaguusapan.

8.       Yung tipong lahat na ng magagandang asal ay nasa kanya na.

9.       Honest

10.   At higit sa lahat… Ako lang ang number 1.

Pasok dapat sila sa mga standards na nabanggit. At kung iisipin… Naghahanap ako ng isang bagay na imposibleng magkaron, at kung meron man ay imposibleng mahanap. Isang perpektong tao!

First day of class pa lang sa university na pinapasukan ko, “BOY HUNT” yun kaagad yung pumasok sa isip ko. Syempre, new school, new environment, new faces… Mas malaking place, mas maraming pagpipilian… Parang mall lang yan… Kung sa SM Bacoor ka magtitingin ng damit, marami rin naman pero kaunti lang yung damit na magugustuhan mo, minsan nga, wala pa eh. Masyado kasing maliit kumpara sa SM MOA. Malaki, mas maraming mapagpipilian, at mas marami kang makikitang magagandang damit. At sa sobrang dami, kahit hindi mo bilhin, makukuntento ka na sa tingin… Gets nyo?

Eto na nga… Unang hamon sakin ay ang paghanap sa classroom ko. Di ko pa alam yung pasikot-sikot. Buti na lang, may nakabangga akong freshman din. At sa di sinasadyang pagkakataon, akalin mo yun? Classmate ko rin pala siya. Kaya ayun, nakaraos din naman ako, nakakilala ng ultimate super friend, Trix, siya nga yung nakabangga ko… Kala nyo lalaki kaagad noh? Kayo talaga… puro boys nasa isip nyo.. tsk.

I Just Can't Be... YOUR SECOND BEST (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon